Armado nanlaban napatay
BATANGAS—Isang lalaking armado ang napatay matapos manlaban nang makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Pook, Balayan sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Reynaldo Cabungcal, residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, sinalakay ng pulisya ang bahay ni Cabungcal sa bisa ng search warrant dahil sa impormasyon may baril dito, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments