Sey ng experts… PAGIGING MALAMBING, NAMAMANA SA INA!


NAGTATAKA ka ba kung bakit malambing ang iyong boyfriend o girlfriend? For sure, eh, namana niya ito sa kanyang ina dahil ayon sa mga eksperto, ang pag-uugali ng ina ay maaaring maipasa sa kanilang mga anak at i-apply ang mga ito sa kanilang magiging nobyo o nobya. Naku, masuwerte ka kung ganu’n!
Isang pag-aaral sa U.S noong 1979 ang isinagawa sa 7,152 ina kabilang ang mga anak nito. Isinagawa ang pag-aaral sa loob ng 24 taon, gayundin, isang survey ang sinagutan ng mga kalahok kung saan ang mga tanong ay tungkol sa past relationships nila, halimbawa, kung sino ang napangasawa nila at kung umabot sa divorce ang kanilang relasyon.
Napag-alaman ng mga researcher na ang pag-uugali ng ina tulad ng paraan kung paano makipag-usap, makisama sa ibang tao at kung paano magpakita ng affection ay maaaring maipasa sa kanyang mga anak.
Dagdag pa rito, malaking impluwensiya ang ugali ng ina dahil ito ang madalas na kasama ng mga anak sa kanilang bahay.
Ang mga pag-uugali na nabanggit ay maaaring i-apply ng mga anak sa kanilang pakikipag-relasyon sa wastong edad, ngunit, hindi na konektado rito ang pag-uugali ng ina sa pagpili ng taong magugustuhan ng kanilang mga anak.
Kaya ang payo ng mga eksperto, maaaring ikonsidera ang pag-uugali ng ina ng iyong nobyo o nobya upang matukoy ninyo kung lolokohin lang ba nila kayo. He-he-he!
Rito pumapasok ‘yung sinasabi ng ating mga mahal sa buhay na dapat bago tayo makipagrelasyon, eh, kilalang-kilala na talaga natin ‘yung tao bago natin pakasalan, kaya kapag nasa getting to know each other stage kayo, make sure na walang impormasyon ang hindi n’yo malalaman tungkol sa kanila, kahit pa ang bilang ng nunal nila. Gets mo?
Oh, ayan, mga beshy, hindi na kayo mahihirapang tukuyin ang totoong pagkatao ng inyong mga partner. Kaya ang piliin at mahalin n’yo, eh, ‘yung family oriented na tao at huwag ‘yung nakatambay lang sa kanto. He-he-he!
Okie?





Comments