Ngayong kasal na kay Aljur… KYLIE, TAGILID ANG LOVE TEAM KAY RURU
- BULGAR

- Dec 14, 2018
- 1 min read

FINALLY, ang pinakaaabangang wedding nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ay tahimik na nairaos sa isang private event venue recently. Limitado lang ang sumaksi sa kasalang naganap. Immediate family and friends lang nina Kylie at Aljur ang invited.
Masayang-masaya si Binoe na nakitang ikinakasal ang favorite daughter niyang si Kylie. Dumating ang mommy ng aktres na si Liezl Sicangco at mga kapatid from Australia.
Ang mga co-stars niya sa Encantadia ay inimbita rin ni Kylie.
Close rin kaya si Rita Daniela kay Kylie kaya kasama sa mga limitadong guests?
Isang pastor ang nagkasal sa couple sa naganap na Christian wedding. At least, napanindigan ni Aljur ang kanyang pangakong kasal kay Kylie.
Ngayong kasal na at may anak na, magpapatuloy pa rin naman sa kanyang showbiz career si Kylie with the consent of Aljur.
Career move at may mutual agreement na sila para na rin sa magandang future ng anak nilang si Alas. May kontrata pa sa GMA Network si Kylie kaya mapapanood pa siya sa mga shows ng Siyete. Si Aljur naman ay magaganda ang projects sa Dos.
Ang tanong ng mga netizens ay okay ba kay Aljur ang plano ng GMA-7 na ibalik ang tambalang Kylie-Ruru Madrid na nagpakilig sa mga viewers noon ng Encantadia? Hindi ba seloso si Aljur?





Comments