top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

MOJDEH AT DULA, NAKA-7 AT 8 GOLD SA DUBAI SWIM C’SHIPS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 14, 2018
1 min read

ASAHAN ang dalawa sa pinakamahusay na batang swimmers na magpapatuloy ng kani–kanilang kampanya para sa gold medals sa pag­sabak sa iba’t ibang international competitions. Magiging pukpukan sa kompe­tisyon sa ibang bansa sina Swimming sensations Jasmine Mikael Mojdeh at Marc Bryan Dula ng Philippine Swimming League sa papasok na susunod na taon kabilang na ang paglangoy sa Canada, China at iba pang bahagi ng Asya. ‘‘We’ll continue to compete in various competitions here and ab­road,’’ ayon kay Joan Mojdeh, ang PSL’s regional director ng Luzon nang magsalita sa Tabloid Organization in Philippines Sports (TOPS) Usapang Sports sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Kasamang dumalo sa forum si Coach Alexander Pa­pa ng Susan Papa Swimming Academy na umagapay kina Mojdeh, 12, at Dula, 11 na nag­banggit ng kanilang kahan­daan sa muling pagsabak sa kompetisyon. Pinasalama­tan din sina Mojdeh at Dula ni Asian Gamer Susan Papa dahil sa magandang performance ng dalawa sa nagdaang Hamilton Aquatics Long Course Swim Championships sa Dubai kung saan si Mojdeh ay nakapag-uwi ng 7 gold at silver medal habang si Dula ay naka-8 ginto at isang silver. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page