top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mas kinakagat ang love team kay Angelica… ZANJOE, SAPAW KAY CARLO SA SARILING SERYE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 14, 2018
1 min read

“SA simula pa lang naman, ‘di pa man kami nagte-taping, alam na naming lahat kung ano ang mang­yayari.

“Masaya, lalong sumaya, nadag­dagan pa kami ng artista. Kaibigan pa namin si Carlo. Ang lakas pa ng team-up nila ni Angelica (Panganiban). Lalong gumanda ‘yung show, lalong naging challenging siya sa akin, kay Carlo, kay Angelica na rin, at si Isabelle Daza, pumasok na rin sa istorya.

“Nakakatuwa, wala pa akong naririnig na inayawan o galit sa isang character sa Playhouse,” ang naging pahayag ni Zanjoe Marudo nang hingan namin ng reaksiyon sa puna ng mga tagasubaybay ng Playhouse na mukhang sa tambalang Patty at Dr. Harold (mga ka­rakter na ginagampanan nina Angelica at Carlo) na raw nakapokus ang istorya ng morning series at ‘di na sa kanila ng aktres.

Ini-enjoy nang husto ni Zanjoe ang Playhouse lalo’t gustung-gusto niya na naka­kaantig ito sa puso ng mga Pinoy viewers.

Napalapit na rin sa aktor ang mga kasama rito kung saan ayon kay Zanjoe ay para na silang pamilya rito.

Wala mang love life sa ngayon ay maligaya naman si Zanjoe sa itinatakbo ng kanyang career dahil sa sunud-sunod na proyekto.

Nauwi man sa paghihi­walay ay napanatili naman nila ni Bea Alonzo ang pagiging magkai­bigan.

Nang tanungin nga namin kung bukas ba siyang maka­sama sa isang proyekto ang ex-girlfriend, agad kaming sinagot ni Zanjoe na gustung-gusto niyang makatrabaho uli si Bea at sana ay isa na itong pelikula.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page