HOROSCOPE | DISYEMBRE 14, 2018 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 14, 2018 (Biyernes): Bilis ang magdadala sa iyo ng mga suwerte. Talas ng isip ang sandata ng iyong kapalaran at ito ang magpapayaman sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bawat kilos ay dapat munang pag-aralang mabuti. Ito ang sikreto ng mga taong nagtagumpay sa kani-kanilang larangan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-20-29-31-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makipagsapalaran ka at muli kang mananalo. Ipinaaalala sa iyo na ang buhay ay pakikipagsapalaran at ang hindi sasali sa laro ng buhay ay mapabibilang kaagad sa mga talunan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-29-30-35-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ibahagi mo sa iyong kapwa ang mga biyayang mapasasakamay mo. Ang nagbibigay ay mas lalong binubuwenas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-23-28-35-41.
CANCER (June 21- July 22) - Labanan mo ang iyong pagiging mahiyain. Ngayon ang araw ng pagsasaya kaya dapat makibahagi ka sa mga pagkakataong mapasaya ang mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-19-30-32-44.
LEO (July 23 -Aug. 22) - Hindi sapat na dahilan ang may pinagdaraanan ang tao para hindi siya kumilos para sa kanyang paghahanda sa kinabukasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-7-11-15-28-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umaayon ang langit sa mga plano mo. Kaya huwag ka nang magdalawang-isip pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-15-29-38-42-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit ka maduruwag sa mga sumasalungat sa gusto mo? Tularan mo ang saranggola na habang kinokontra nan g malakas na hangin ay mas lalo pang tumataas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-18-21-26-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Labanan mo ang iyong sarili dahil sa hindi ka makapagpasya kaagad. Sa pagdadalawang-isip, maraming oportunidad ang nasasayang. Sundin mo ang payong ito nang sa gayun ay hindi ka manghinayang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-26-28-36-38-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakatutuwa ang mga nag-aakalang kailangan mo ang tulong nila. Ang hindi nila alam, noon pa man dapat na silang maging bahagi ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-9-11-16-27-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan ka masaya, ‘yun ang piliin mo. Iwasan mong mag-isip ng mga negatibong pananaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-19-28-34-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kailangan mong maging matalino sa pagdedesisyon nang sa gayun ay hindi ka magsisi sa huli. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-28-30-32-38-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang gusto ng marami, dapat kang sumang-ayon sa kanila. Sa ngayon, ang nakararami ang masusunod at ang sumasalungat ay malulungkot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-14-18-26-28-30.




Comments