Bukod sa physically, financially at emotionally prepared… TIPS KUNG PAANO MAGIGING HANDA SA MARRIED
- BULGAR

- Dec 14, 2018
- 2 min read

EXCITED ka na bang ikasal o magpasakal? Biro lang, mga lodi! Pero para sa mga naiisipan nang magpakasal diyan, heto ang ilang tips sa inyo upang maging handa sa married life at hindi sumuko kaagad. He-he-he!
1.TAKE AN IMPROMPTU TRIP. Mainam kung magta-travel muna kayong dalawa nang sa gayun ay mas makilala n’yo ang isa’t isa. ‘Ika nga ng iba, dapat tanggapin ang lahat ng pag-uugali ng tao, mabuti man ‘yan o masama, bago siya pakasalan.
2.UNDERSTAND EACH OTHER’S VALUES. Mahalaga ang respeto, hindi lang para sa magiging asawa mo kundi sa pinaniniwalaan at nakasanayan ng kanyang pamilya at mga mahal sa buhay. Respect is the key, lodi!
3.TALK ABOUT MONEY. Maging open-minded pagdating sa pera lalo na ngayong halos sa pera na tumatakbo ang mundo ng bawat isa. Palagi ninyong tatandaan, mahalaga ang pera, pero mas mahalaga ang pamilya.
4.MEET EACH OTHERS’ FAVORITE PEOPLE. Kung sino ang mahal ng minamahal mo, kailangan mo silang makilala at mahalin din. Hindi ito madali, pero makasisigurado tayong mas magiging masaya at masagana ang inyong pagsasama.
5.BETTER YOURSELF AS AN INDIVIDUAL. Bago magpatali sa iba, siguraduhin mo munang naayos mo na ang sarili mo kung saan alam mo na ang purspose mo sa mundo. Hindi magandang bumuo ng pamilya nang hindi ka pa handa para sa lahat. Kaya i-enjoy n’yo muna ang pagiging binata at dalaga dahil kapag kayo ay nagsama, tiyak na ibang-iba na.
6. DON’T BE SENSITIVE. Dahil magiging mag-asawa na kayo, iwasan na ninyong maging sensitive dahil may masama rin itong naidudulot sa relasyon lalo na kung ‘yung maliit na bagay ay pinalalaki dahil masyado kang naging maramdamin.
7. BE MATURED. Mahirap naman talagang mag-matured dahil isa itong working progress, pero upang mas maging handa kayo sa inyong pagsasama, kailangan ninyong mag-matured lalo na at bubuo kayo ng pamilya.
8. AVOID TANTRUMS. Hindi ka na dapat nagpapabebe, lodi! Sa pag-aasawa, kung may malaki kayong problema dapat ay seryoso na ninyong haharapin ang suliraning inyong pagdaraanan nang sa gayun ay masolusyunan n’yo ito nang mabilisan at maayos.
9. PRAY. Ang pagdarasal ang pinakamakapangyarihan sa lahat, kaya bago kayo mag-asawa, siguraduhin ninyong ipinagdasal ninyo ‘yan nang sa gayun ay mayroong basbas mula sa itaas. Copy?
10. RELAX. Kapag nagkaroon na kayo ng pamilya, hindi na kayo makapagre-relax nang bongga, kaya gawin n’yo na ito bago pa mahuli ang lahat. Matulog nang mahabang oras, mga lodi! Kayo rin! He-he-he!
‘Ika nga ng matatanda, ang pag-aasawa ay hindi kaning mainit na kapag napaso ka ay iluluwa mo na.
Kaya para sa mga bet nang magpakasal diyan, sundin n’yo muna ang mga tip na ito.
Be ready and have a happy married life. Okie?








Comments