2 tulak timbog sa drug-bust
LAGUNA—Dalawang drug pushers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. San Francisco Calihan, San Pablo City sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Rolando Balyoyo at Ryan Tagle, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, isang sachet ng shabu at markadong pera ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi nanlaban sina Balyoyo at Tagle nang dakpin sila ng mga awtoridad sa naturang barangay.





Comments