Wanted na bagets timbog
Pabs Hernandez III
Dec 13, 2018
1 min read
LAOAG CITY — Isang wanted na 15-anyos na binatilyo ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. 48-A.
Dahil menor-de-edad, hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek.
Nabatid na dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong frustrated murder.
Sa kasalukuyan, ipinoproseso na ng mga awtoridad ang paglipat sa suspek sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).





Comments