top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Para sa mga single riyan, read n‘yo ‘to, dali! TIPS PARA SA MGA MIYEMBRO NG SMP (Samahan ng Malalami

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 13, 2018
  • 3 min read

MALAMIG na ang simoy ng hangin — ‘sin­lamig ng feelings niya sa akin, ano raw? Ano mga kuys at teh, miyem­bro na naman ba tayo ng SMP o Samahan ng Ma­lala­mig ang Pasko? Oks lang ‘yan, pero heto ang ilang tips para sa inyo:

1. MAGSIMBANG GABI. Isa ito sa pinakahi­hintay ng marami, lalo na sa mga naniniwalang magka­katotoo raw ang wishes natin kapag nakumpleto natin ito. So, kung may time tayong magpuyat, push mo nang mag-Simbang Gabi. Malay natin, dahil dito hindi na tayo magiging member ng SMP, ehem!

2. BONDING WITH FAMILY AND FRIENDS. Worry no more kung wala man tayong love life this year dahil kahit wala pa si ‘the one’, ang pamilya at mga ka­ibigan naman natin ay pa­laging nand‘yan, kaya tigilan na natin ang pag-e-emote at sila na lang muna ang i-date natin, ‘di ba?

3. SHOPPING IS REAL. Since, nakatang­gap na ng bonus ang karamihan may “k” na tayong mag-mall. Gamitin natin ang pagka­kataong ito para makapamili ng mga panregalo para sa ating loved ones at pang-exchange gift na rin. Naka­tatanggal ng stress ang shop­ping at chance na rin natin ito para magpakasaya dahil deserve rin natin ang mag-enjoy, ganern!

4. SWEAT IT OUT. Tutal wala pa tayong “ro­mantic relationship” na i-wo-workout, pokus muna tayo sa sarili natin, beshie! Kung keri pa ng schedule natin, why not mag-work- out? Good din naman ito, especially, ‘yung mga work out na healthy sa ating puso, naks!

5. MAKE TIME FOR YOURSELF. ‘Ika nga ng iba, ‘soul searching’, daw wa­lang masama kung ga­gala rin tayo minsan, nakape-fresh ito lalo na at medyo stressful ang Holiday Sea­son. Malay na­tin sa ideyang ito ay makahanap na tayo ng dyowa. Ha-ha-ha!

6. DO YOUR HOB­BY. Marami tayong puwe­deng pagkaabalahan tulad ng mga nabanggit. Puwede rin nating i-practice pa ang mga bagay na love natin gawin tulad ng painting, gu­mawa tayo ng tula o kanta, mag-aral ng mga bagong lenggu­wahe at iba pa. For sure, kapag ready na ulit tayo sa panibagong relasyon, mara­mi tayong maise-share sa kanya.

7. CAROLING TIME. Aba, hindi porke adult na tayo, eh, wala na tayong “k” mangaroling. Magandang ideya rin ito para maka-bonding natin ang pamilya at friends natin. Isa pa, pandagdag-income rin ito, noh!

8. EXTRA INCOME. Naku, wala na nga tayong dyowa, wala pa tayong pera! Maging wais tayo, besh! Imbes na ubusin lang natin ang time natin sa kae-FB kahit wala naman tayong ka-chat, eh, mag-online seller na lang tayo. Basta, mag-isip tayo ng mga puwedeng i-business, make sure lang na swak ito sa ating trip at per­sonality, gets?

9. MEET NEW BUD­DY. Sabi nga, paano kayo magiging together kung hin­di ka gumagawa ng paraan “to get her”? Laugh trip! Sa amin lang naman, eh, kung “g” na talaga tayo, move na tayo. Sama na tayo sa mga nagyayaya sa atin. Punta tayo sa mga party o gathe­ring dahil for sure, marami tayong bagong ma­kikilala ru‘n, good luck!

10. MAKE YOUR CHRIST­MAS, MER­RIER. Paano? Siyempre, damahin natin ang tu­nay na diwa ng Pas­ko. Isapuso at isaisip natin kung bakit natin ipinagdiri­wang ito, kaya may dyowa man tayo o wala, hindi ‘yan ra­son para malungkot tayo sa araw ng Pas­ko.

Kaya magpaka­bait na lang tayo, malay natin dahil sa pagiging nice natin, hindi na ulit tayo ma­giging mem­ber ng SMP sa susu­nod na taon, laban lang! Tan­daan nating wala man tayong lovelife, keri pa rin namang maging wagi ang ating puso ngayong Pasko!

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page