LUZON U, PATTS, TAGUMPAY VS. ICC AT NCBA SA NCRAA

TINIYAK ng PATTS College of Aeronautics na hindi sila matatalo ng dalawang sunod beses at binigo nila ang bisitang Immaculada Concepcion College, 74-72, sa tampok ng laro ng 26th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) Martes ng hapon sa A. R. Valdez Hall.
Bago iyan, tinambakan ng University of Luzon ang National College of Business and Arts, 80-62 at sinundan ito ng tagumpay ng De Ocampo Memorial College sa nagluluksang Philippine School of Business Administration, 83-73.
Lamang ng 3 puntos ang PATTS, 73-72, pero pinabayaan nila si Julian Soriano ng ICC na ipasok ang bola at sabay foul. Agad binigyan ng foul si Marty Luis Espiritu at pinasok niya ang unang free throw para gawing dalawa ang lamang, 74-72, at nagmintis ang pangalawa pero nasungkit niya ang rebound at foul.
Nanguna para sa PATTS si Norman Torreno na ginawa ang 7 sa kanyang 25 puntos sa huling quarter kung saan lumamang ang Seahorses, 67-58, bago humabol ang Blue Hawks sa huling 5 minuto. Sumunod si Espiritu na may 11 puntos at 10 rebound.
Babalik ang 26th NCRAA sa PATTS ngayong Huwebes kung saan babalik sa aksyon ang defending champion Olivarez College (2-0) kontra Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (0-2) sa 1:30 p.m.





Comments