Kahit busog sa kantiyaw ng co-players… CALVIN, PROUD NA PROUD NA LALAKI NI VICE
- BULGAR

- Dec 13, 2018
- 2 min read

PINANGATAWANAN ng basketbolistang si Calvin Abueva na hindi nito ikinahihiya ang pagiging close niya sa It’s Showtime host na si Vice Ganda. Balita ngang si Calvin ang kanyang man-of-the-hour ngayon dahil kahit sa ilang mahahalagang events sa buhay ni Vice, kasa-kasama ang PBA player.
Sa side naman ni Calvin, tanggap nito ang patutsada ng co-PBA players na imbes na girl, sa pa-girl siya nali-link.
Tulad na lang nitong pageant last December 10, dumalo sina Vice at Calvin bilang special guests sa Mutya ng Kapampangan 2018 na idinaos sa Brent Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.
Ang senaryo sa mismong stage ng pageant, inabutan ni Calvin si Vice Ganda ng bouquet of flowers sa gitna ng hiyawan ng mga fans.
Sa Instagram video na in-upload ng isang netizen (@jaaahzz), mapapanood na habang nagbibigay ng “thank you” speech si Vice, biglang lumapit si Calvin at inabutan ng bulaklak ang nagulat na Unkabogable Star.
Bahagyang inilapit ni Calvin ang kanyang mukha kay Vice na tila hahalikan pero hindi naman itinuloy. Hinawakan naman ni Vice ang mukha ng basketbolista, at maririnig ang malakas na hiyawan ng mga tao.
Wala na nga silang ikinahihiya sa ngayon at kung saan man hahantong ang binubuo nilang “friendship”.
Nagsimulang ma-link sina Vice at Calvin mula pa noong September nang lumabas sa social media ang kanilang mga larawan nang magkasama.
Maging sa kanyang social media accounts, may Instagram stories si Vice na nakakasama niya si Calvin.
Ipinahayag naman ni Vice sa kanyang interviews na masaya siya sa pagkakaibigan nila ni Calvin, dahil hindi itinatago at ikinahihiya ng basketbolista ang friendship nila.
Sabi nga ni Lucky Laotingco, empleyado ng Gray Hardware sa Makati, “Si Terrence (Romeo) sana ang inuulan ng biyaya ngayon from Vice, eh, ikinahihiya naman niya (kung anumang relasyon) si Vice, so doon na ako kay Calvin na tanggap ang pagiging bakla ni Vice,” komento ng isang fan.




Comments