top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit BFF pa, talu-talo... ANNE, GAME NA GAME SA TAPATAN NILA NI VICE SA MMFF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 13, 2018
  • 1 min read

SPEAKING of MMFF, isa pa sa mga gusto naming panoorin ay ang Aurora na pinagbibidahan ni Anne Curtis na mula sa direksiyon ni Yam Laranas, kung saan nagwi-wish ang direktor na sana’y manalo ito ng Best Actress.

Nag-shoot nga ang horror movie na Aurora na hatid ng Viva Films at Aliud Entertainment sa Batanes na bagay na bagay sa nakakatakot na eksena.

“Because it’s set the tone and mood para sa pelikula namin, lalo na ‘yung set namin, very creepy. It was dark, gloomy kaya maganda,” ayon sa aktres.

Sa pelikula, gaganap si Anne bilang Leana na may-ari ng nag-iisang hotel sa isang isla at may nangyaring hin­di maganda sa bayan nila da­­hil lumubog ang barkong Aurora.

Si Leana ang maghaha­nap ng mga katawan ng mga na­matay at may katumbas itong halaga.

Wala namang problema kina Anne at Vice na pareho silang may entry sa MMFF. Sa katunayan, suportado nila ang bawat pelikula, at uma­asa kami na sana’y maging blockbuster din ang Aurora, katulad ng dalawa niyang naunang pelikula para sa taong ito, ang rom-com/drama na Sid and Aya kasama si Dingdong Dantes at ang action film na Buy Bust na talaga namang pinag-usapan nang husto.

Hindi nga makapaniwala si Anne na nagkasunud-sunod ang movie niya at pawang magaganda pa, kaya very thankful siya and hopefully, bago matapos ang taon ay mabigyan pa siya ng isang blessing.

Next year, tiyak na mapapansin si Anne sa husay niya sa pagganap at siguro naman, puwede na rin nilang i-wish at ipag-pray this Christmas and New Year na magkaroon na sila ng baby ni Erwan Heussaff.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page