top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Isnaberong taxi driver, lagot!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 13, 2018
  • 1 min read

SAAN po kayo?”

“Naku ma’am, sori po pagarahe na ‘ko.”

“Sensiya na boss, hindi ako naghahatid du’n, eh, grabe trapik.”

“May pick-up po pala ‘kong pasahero, abang na lang po kayo ng iba.”

Nadale ka na rin ba ng mga isnaberong taxi driver?

‘Yung hihintuan ka pero ‘di ka agad pasasakayin, tatanungin ka muna sabay tanggi, matindi!

Ito ang mas malupit, malayo palang sinesenyasan mo na, nagkati­tigan pa, nu’ng natapat na sa‘yo isi-seen zone ka lang pala!

Meron ding mga nakatambay naman sa mga mall, lalo ngayong holiday rush, namimili rin ng pasahero.

Hindi natin nilalahat, ah, marami pa rin namang mababait at tapat na mamang driver.

Gayunman, sadyang may mga pasaway pa rin na kahit taun-taon nang pinaaalalahanan na bawal tumanggi sa pasahero, matitigas talaga ang mukha.

Sila ang dahilan kaya patuloy ang paglulunsad ng Oplan Isnabero ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) para mahuli at maparusa­han.

Nakaabang na ang mga tauhan ng LTFRB sa mga mall at iba pang pasyalan para manita ng mga driver na ayaw magsakay ng pasahero.

May mga humihirit din na ipatupad ang Oplan Isnabero sa mga terminal ng mga pampublikong sasakyan kung saan marami naman ang nangongontratang mga driver ng taxi.

‘Ayun... walang tanggi basta mas okay ang pasahe.

‘Ika nga, pare-pareho tayong naghahanapbuhay, matuto tayong maging patas at higit sa lahat, rumespeto.

Paano tayo tatangkilikin ng mga mananakay kung tayo mismo ang umaayaw?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page