top of page
Pokwang.jpg

Gustong patunayang aktres na siya, Xian… KIM, NAKIPAGSABAYAN SA AKTING KAY DENNIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2018
1 min read

DOUBLE job si Eric Quizon nang tanggapin ang project na One Great Love na entry ng Regal Entertainment sa MMFF 2018. Siya na ang direktor ng movie, siya pa ang gaganap na tatay ni Kim Chiu sa istorya.

Sey ni Direk Eric, “Pareho naman kaming singkit ni Kim, kaya bagay kaming mag-ama.”

It seems sobrang na-miss ni Eric ang pag-arte at pagdidirek ng pelikula kaya excited at nag-enjoy siya nang husto while shooting One Great Love.

Nagustuhan niya ang kuwento ng OGL at may ‘something’ special siyang nakita sa mga lead stars ng movie na sina Dennis Trillo, Kim Chiu at JC de Vera.

Samantala, ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabing acting piece para kay Kim ang role niya sa One Great Love. Mas mature, mas daring at nagpaka­aktres daw nang husto ang Chinita Princess sa naturang movie.

Wala itong kiyeme at lahat ng ipinagawa ni Direk Eric Quizon ay kanyang ginawa at walang karekla-reklamo. Kinaya niyang makipagsabayan ng aktingan kay Dennis Trillo.

It seems, may gustong patunayan si Kim Chiu sa ibang female stars na makakalaban niya sa darating na awards night ng MMFF 2018.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page