top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nanggagamot bilang albularyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 12, 2018
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Lolliebee ng Lollie_Bee@face-book. com

Dear Professor ,

Ano ang ibig sabihin kapag nanggagamot ka sa panaginip? Albularyo raw ako tapos mayroon akong ginagamot. Kaya lang, ‘yung idinarasal ko ay mali, kulang-kulang kaya hindi ko mapagaling ‘yung ginagamot ko.

Naghihinatay,

Lolliebee

Sa iyo Lolliebee,

Alam mo, hindi ba ang sabi: “Ang tao ay nilikha na kawangis ng Diyos”? At ang isa sa larawan Niya ay ang Diyos na nagpapagaling, kaya ang bawat tao ay may kakayahang manggamot.

Kaya lang, hindi naman dahil may kakayahan na ang taong manggamot ay agad-agad na niya itong magagamit, ‘ika nga, “practice makes perfect”, kaya magpraktis ka muna bago ka magsimula.

Ngayon na ang pagkakataon mo na magamit ang isa pang regalo ni God sa ba­wat tao. Ano ‘yun? Walang iba kundi ang “the gift of memory”. Tulad nu’ng nag-aaral ka pa, ‘di ba, kinakabisa mo ang turo ng iyong guro, tapos ang taas ng grade mo kasi magaling kang magkabisa?

Samantala, may ikukuwento ako sa‘yo, alam mo, dahil mahirap lang kami, ang sabi ng tatang namin, “mga anak, mahirap lang tayo, wala tayong pambili ng mga notebook, kaya kung puwede, kabisaduhin na lang ninyo ang bawat sasabihin ng inyong guro.”

Kaya naman, marahil, ganu’n ka rin ngayon, tulad ko, isa ka ring kabisote.

Gayunman, maipapayo namin sa‘yo na isulat mo sa iyong damit ang dasal sa panggagamot, kaya lang baka hindi puwede ang ganu’n kasi depende ‘yun sa klase ng damit na palagi mong isinusuot.

Kaya ang pinakamagandang dapat mong gawin ngayon dahil kulang-kulang ang dasal mo sa iyong panaginip, isabuhay mo ang kasabihang, “pratice makes perfect” dahil tiyak na mas magiging magaling ka pa sa buhay kung saan magiging maganda ang iyong kapalaran.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page