Lalo na raw kung buntis ka, mamsh! SAMPALOK, EPEKTIB NA PANLABAN SA HILO!
- BULGAR

- Dec 12, 2018
- 1 min read

Dehins mo ba knows kung paano mawawala ang iniinda mong sakit ng ulo at hilo?
Easy lang ‘yan, lodi! Ito ay dahil ang sampalok na nakasanayan na nating gamiting pampa-asim at sangkap sa mga ulam ay epektibo palang panlaban sa iba’t ibang klase ng sakit na ating nararamdaman. Fantastic!
Ayon sa mga eksperto, ang tamarind o sampalok ay prutas na mayroong pinaghalong tamis at asim na may kakaibang lasa.
Ito rin umano ay dating ginagamit bilang gamot pangmedikal ng Arabian physicians.
Pero, ngayon para sa atin ay prutas at pampa-asim lang ito sa ating mga inilulutong ulam tulad ng sinigang, sinampalukan at marami pang iba.
Gayunman, ang sampalok ay punumpuno ng nutrisyon kaya marami itong naibibigay na benepisyo sa ating katawan.
Sa katunayan, ito ay mabuti sa puso, nakabu-boost ng immune system at nakape-prevent sa pagkakaroon ng stroke.
Gayundin, kung madalas na sumasakit ang ating ulo at natatakot na tayong uminom ng pain reliever, mainam na solusyon dito ay ang pagkain ng sampalok, lalung-lalo na sa mga buntis na nahihilo riyan, hindi lang pala ito basta puwedeng paglihihan, mga mamsh, dahil keri rin itong makapagpagaling sa inyong mga sakit na nararamdaman.
Bagama’t, ang paalala ng mga dalubhasa, mas mainam na may laman ang tiyan bago kumain ng sampalok nang sa gayun ay hindi sumakit ang inyong tiyan.
Kaya para sa mga dehins kumakain ng sampalok diyan, try n’yo na ito, mga mamsh!
Tingnan natin kung ‘di kayo kiligin sa sarap. He-he-he!




Comments