top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kumakapit pa ba ang bulsa at pitaka mo, besh? TIPS UPANG MAKA-SURVIVE TAYO SA LUMALALANG PRESYO NG M

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2018
2 min read

Struggle is real, totoo ito halos lahat tayo ay nakararanas nito, lalo na sa presyo ng petrolyo, bigas, pamasahe sa jeepney — name it, lahat na lang tumataas kaya sa panahon ngayon, practicality is the key! Kaya narito ang tips para ma-survive natin ang nakakalokang inflation!

1. DOUBLE THE EFFORT. Halimbawa, teacher na, online seller pa. Kailangan natin ng extra income, beshy! Hindi sapat kung maghihintay lang tayo sa araw ng sahod. Dapat doble-kayod kaya isipin na natin ang mga bagay na sa tingin mo mag-e-enjoy ka na, may extra kita ka pa!

2. KNOW YOUR PRIORITY. Sabi nga ‘pag mabubuhay tayo ng wala ito, ‘di natin ito pangangailangan (kaya mag-move on ka na sa ex mo kasi ‘di mo siya kailangan, char!). Kung nakuha mo na ang pinakahihintay mong bonus, take time para makapag-isip kung paano mo ito gagastusin. Bibilhin lang natin ay ‘yung mga bagay na pinakakailangan natin tulad ng bigas, personal hygiene, gatas ni baby at iba pa na depende sa atin kung ano nga ba ang priority natin.

3. CHANGE YOUR ROUTE. Praktikal ito, lalo na sa mga pumapasok sa trabaho o eskuwelahan. Hangga’t maaari ay piliin ang rutang mas makakamura tayo sa pamasahe.

4. DON’T BE CHOOSY. Halimbawa, madalas tayong mag-FX kaysa sumakay sa bus o jeep kasi mas komportable at may aircon, pero ang singil sa pamasahe ay ‘medyo’ mahal. Tama na muna ang pagiging choosy sa sasakyan kung kering mag-bus o jeep, go! Kung iisipin kaunti lang ang diperensiya pero, ang mahalaga makatitipid ka.

5. USE YOUR SOCIAL MEDIA WISELY. Malaki ang pakinabang ng social media sa atin, lalo na sa pagtitipid. Imbes na magpa-load tayo para maka-text sa ating mga kaibigan, pamilya at iba pa, gamitin na lang natin ang “free datas”. Maraming nakare-relate rito, alam n’yo ‘yan

6. BE RESOURCEFUL. Ito ang pag-uugaling kailanman ay hindi nawawalan ng pakinabang. Ang pagiging mapamaraan ay makatutulong upang mas makatipid tayo sa pagbili ng iba’t ibang bagay lalo na ngayong ang mga bilihin ay hindi na tumitigil sa pagtaas.

7. DON’T PRETEND. Huwag tayong magpanggap na kaya natin ang lahat kung may pasan-pasan tayo na hindi na natin kayang solusyunan dahil maaari naman itong ipaalam sa mga kinauukulan.

8. SEEK ADVICE. Kung alam nating nahihirapan na tayo sa buhay, humingi tayo ng payo sa mga kakilala natin kung paano natin masosolusyunan ang kagipitan.

9. LOVE YOUR NEIGHBOR. Kapag naging mabait tayo sa ating mga kapitbahay, maaaring magpakita sila ng kabutihan sa atin kung saan puwede nila tayong tulungan sa mga bagay na hindi na natin kayang solusyunan.

10. REDUCE WANTS. Kung dati ay madalas mong nabibili ang iyong gusto, ngayong umiigting ang inflation, bawasan na natin ang paggastos.

Kaya naman kahit halos mangiyak-ngiyak na ang ating pitaka at bulsa sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. May mga paraan pa rin upang malagpasan natin ang mga ito, pero hindi tayo magtatagumpay kung mismong tayo ay hindi gumagawa ng aksiyon. ‘Ika nga sa kasabihan, “kung ayaw, may dahilan, kung gusto, maraming paraan”.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page