top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya simulan n‘yo na raw mag-practice ng kakantahin, mga besh! HEALTH BENEFITS NG PANGANGAROLING, AL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 12, 2018
  • 2 min read

TALAGANG naka­tutuwang makita ang mga bata na nanganga­ro­ling tuwing malapit nang sumapit ang Pasko. Pero, knows ba ninyo na bu­kod sa mga aginaldong naiipon nila mula rito, maaari ring ma-develop ang ilan nilang katangian na sa huli ay kanilang ma­pakiki­nabangan? Heto ang ma­gagandang be­nepisyong makukuha sa panganga­roling, alamin:

1. ENHANCES CREA­­TIVITY. Nagiging mas malikhain ang mga bata tuwing nanganga­roling dahil sa iba’t ibang twist na kanilang naiisipang gawin upang mas mahika­yat ang mga tao na makinig at magbigay sa kanila ng aginaldo. Kung minsan ay mayroon pang choreo­graphy at freestyle sa ka­nilang piyesa.

2. MOTIVATES RE­SOURCEFULNESS. Da­hil kakailanganin nila ng instrumento upang ma­kagawa ng tunog at hindi naman lahat ay kayang bumili ng bagong instru­mento, lumalabas ang pa­giging resour­ce­ful ng mga bata kung saan ang sim­pleng kutsa­ra’t tinidor, tan­san at lumang lata ay kaya ni­lang gawan ng paraan upang ma­ging instru­mento na puwe­de nilang gami­tin habang nangangaro­ling.

3. BOOSTS CON­FIDENCE. Ang batang mahiyain ay walang lakas ng loob na gawin ang mga bagay tulad ng pagkanta sa mga bahay-bahay. Ngu­nit, nagkakaroon sila ng kum­piyansa sa sarili ka­­pag ka­sama nila ang ka­nilang mga kaibigan sa paggawa ng mga bagay na ki­natatakutan nilang gawin.

4. POSITIVE VIBES ON. Kakaibang ligaya ang naibibigay nito sa mga ba­gets dahil bukod sa na­kasama nila ang kanilang mga kaibigan, nakatatang­gap din sila ng aginaldo at kung minsan ay kendi mula sa pagbibigay-aliw nila sa mga nakatatandang kani­lang kinantahan. Gayun­din, ang mga taong nakiki­nig at nanonood sa kanila ay nagkakaroon ng magan­dang mood.

5. IMPROVES SO­CIAL LIFE. May mga bagets na nahihirapan ma­ki­salamuha sa mga hindi nila kakilala, pero dahil mas masaya ka­pag marami silang nanga­nga­roling, na­tututo silang makipagka­ibigan.

6. TEACHES AP­PRE­CIATION. ‘Thank you, thank you, ang babait ninyo, thank you!’, ‘yan ang huling binabanggit ng mga nangangaroling pag­katapos nilang umawit. Sa ganitong paraan, natutu­tong tumanggap ng kahit na ano ang mga bata, maliit o malaki man ang halaga na maibibigay sa kanila.

Kaya mga mamshie, dahil sa benefits na ito, payagan n’yo na si bagets na mangaroling ka­sama ang mga kaibigan nila.

Pero, siguraduhing nasa loob lang sila ng sub­division o sa mga lugar na malapit lang sa inyo para sure na safe sila. Mas okay din kung sasa­mahan n’yo sila. He-he-he! Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page