Healthy skin nga, dead ka naman... PAGLALAGAY NG LOTION, PRONE SA OVARIAN CANCER


MAHILIG ka bang magpabango, maglotion o maglagay ng nail polish, lodi? Knows mo ba na nagkokontamina ito ng mga kemikal na maaaring makaapekto sa puberty ng mga dalagita? Hala!
Sinubaybayan ng mga researcher mula sa University of California ang 200 kabataang babae mula pagsilang hanggang sa kanilang pagtuntong sa edad na 9 at 13.
Unang nagsagawa ng urine tests ang mga eksperto sa ina ng mga kalahok noong nasa ika-14 at 27 linggo na ipinagbubuntis nila ang kanilang mga anak, isinagawa ito nang sa gayun ay masigurado ng mga researcher na may exposure sa nasabing mga kemikal ang mga kalahok.
Ayon sa mga eksperto, ang mga kemikal na mayroon ang pabango, lotion at nail polish ay nakapagpapaaga ng puberty ng mga batang babae.
Bukod pa rito, ang exposure ng mga bata sa mga kemikal na ito kahit sa sinapupunan pa lamang ay may epekto rin sa kanila.
Samantala, napag-alaman ng mga researcher na ang mga kalahok na mataas ang exposure sa diethyl phthalates ay mas maagang nagkaroon ng body hair kumpara sa mga mayroong mababang exposure.
Ang mga kemikal kung saan sila exposed ay sinasabing nakaapekto sa female sex hormone na oestrogen kaya nati-trigger ang maagang pagdadalaga ng mga ito.
Ang kemikal na diethyl phthalate ay matatagpuan sa mga pabango at cosmetic product habang ang methyl paraben naman ay uri ng kemikal na mayroon ang mga lotion at hand cream.
Ayon kay Dr. Kim Harley, lead author ng nasabing pag-aaral, ang mga kemikal na nabanggit ay nakasasagabal sa natural na hormone ng katawan tulad ng oestrogen.
Dagdag pa rito, ang mga dalagita na maagang dumaan sa puberty ay may mataas na tsansa sa pagkakaroon ng breast at ovarian cancer.
Kaya ang paalala ng mga eksperto, hindi naman masamang gumamit ng mga produktong pampaganda, ngunit, kung buntis ka o may anak na nasa edad 10 pababa, iwasan mo ang mga produktong nagkokontamina ng mga kemikal na nabanggit.
Kaya mga momshie at beshy, kaunting tiis muna nang sa gayun, eh, hindi mapaaga ang pagdadalaga ni bagets.
Tandaan, stay pretty and healthy! Copy?





Comments