SUPER CRUNCH, MAGPAPATIBAY, VALENZUELA AT RIZAL, HAHABOL


SISIKAPIN ng Makati, isa sa pinakamainit na teams sa MPBL Datu Cup na palakasin pa ang kontensiyon tungo sa playoff kontra sa Mandaluyong maging ang lowly-ranked teams na Rizal at Valenzuela ay pursigido pang umangat ang laro ngayon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Ang Super Crunch ay isa sa pinakamalupet na teams sa torneo. Nagwagi na ng 6 na sunod at solido na ang posisyon sa playoff berth, umibayo ang win-loss record sa 12-4 at pinatatag ang kapit sa solo 4th spot. Alas-7 ng gabi ang laban nila vs. Mandaluyong El Tigre sa unang game bago pa ang main game ng Rizal Crusaders at Valenzuela Classic ng 9 p.m. Pinutol ng El Tigre ang seven-game losing skid nang nagwagi sa Bulacan Kuyas at umaasa si veteran mentor Arlene Rodriguez na senyales ito ng tuluy-tuloy na magandang laro. Nasa 6th spot ang Mandaluyong hawak ang 7-8 card katulad din ng paghahabol ng teams ng Navotas, Pampanga, Pasay at Valenzuela.
Ang Valenzuela at Rizal ay makikipagpatayan para sa susunod na panalo. Kapatas ng Classic ang Voyagers sa 9th to 10th places na may 6-10 win-loss record sa pahirapang northern division ng torneo. (MC)





Comments