Dennis, sapaw daw sa kanya… JC, FEELING NAKA-JACKPOT NANG MATIKMAN SI KIM

BINIRO ng press people si JC de Vera na sa kanila ni Dennis Trillo, mas jackpot siya kay Kim Chiu dahil dalawa ang love scenes nila, samantalang isa lang ang love scene ni Dennis sa aktres sa One Great Love.
Panalo rin ang love scenes nina JC at Kim na kinunan sa bathtub at bedroom, kaya after kunan ang eksena, napasigaw ang huli.
Kung si Kim, mabilis napapayag sa bathtub scene, lalo naman si JC. Biro nga nito, hindi siya kinailangang kumbinsihin ni Direk Eric Quizon dahil pagdating sa trabaho, kung ano ang makakaganda sa eksena, gagawin niya.
Nag-agree rin si JC sa napag-usapan nila ni Dennis na suwerte sila to work with Kim dahil magaling na, professional pa.
“Hindi na ako nag-isip nang i-offer sa akin ang project dahil alam kong maganda ito at makakatrabaho ko pa sina Dennis, Kim at Direk Eric. May bonus pang love scenes, kaya ang suwerte ko,” wika ni JC.
Entry ng Regal Entertainment sa 2018 Metro Manila Film Festival ang One Great Love na magsisimulang mapanood sa December 25.





Comments