Tatay na nangungulila sa mga anak
- ROMA AMOR
- Dec 10, 2018
- 1 min read
Dear Roma,
Ako si Rodolfo, 66 years old. May tatlo akong anak, ang dalawa sa kanila ay may pamilya na at ang isa naman ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa ngayon, mag-isa na lang ako sa buhay dahil ang aking asawa ay pumanaw na noong nakaraang taon, kaya sa darating na Pasko, gusto ko sanang makasama ang mga anak ko lalo na at medyo mahina na ako. Paano ko ba makukuha ang atensiyon ng mga anak ko? Sana, matulungan ninyo ako. Salamat! — Rodolfo
Rodolfo,
Para sa’yo, Tatay Rodolfo, maipapayo namin na kausapin mo ang mga anak mo dahil tiyak namang gusto ka rin nilang makasama sa araw ng Pasko. Huwag mong hayaang balewalain ka nila lalo na at ikaw na lang ang natitira nilang magulang. Bilang ama, karapat-dapat kang mahalin at respetuhin ng iyong mga anak. Kaya taos-puso kaming humahanga sa iyo, sana ay makausap at makasama mo ang mga anak mo ngayong Pasko. God bless!





Comments