Takot sa AlDub Nation? ARJO, WALANG 'BALLS' PARA AMININ SI MAINE
- BULGAR

- Dec 10, 2018
- 1 min read

NATATAKOT bang humarap si Arjo Atayde sa entertainment writers kaya hindi ito dumating sa grand presscon ng pelikulang Jack Em Popoy: The PulisCredibles na kasama sa MMFF 2018?
Umiiwas ba siyang matanong kung ano ang real score sa kanila ngayon ng Dubsmash Queen na si Maine Mendoza?
Ayaw ba niyang ma-bash at pag-initan ng AlDub fans kapag laging nauugnay kay Yaya Dub? May balak ba si Arjo na aminin kung ano ang label at level ng relasyon nila ngayon ng phenomenal star na si Maine?
Handa bang harapin ni Arjo ang galit at batikos sa kanya ng AlDub Nation kung saka-sakali?
Well, ang hirap-hirap talaga sa parte ng mga artista na identified sa ka-love team, lalo na’t napaka-possessive ngayon ng mga fans. Marami sa kanila ang nagdidikta ng sarili nilang kagustuhan para sa mga iniidolong artista.
Minahal ng masang Pinoy ang tambalang Alden Richards-Maine Mendoza (AlDub). Ayaw ng mga fans na maitambal sila sa iba.





Comments