top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG UMASENSO SA PAGTITINDA NG BIGAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 10, 2018
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Nais kong ipabasa sa inyo ang aking kapalaran. Ako ay ipinanganak noong July 2, 1988, ang mister ko naman ay September 11, 1986 at mayroon ka­ming dalawang anak. Ang tanong namin ay kung kailan magiging maayos ang aming pagsasama dahil away-bati pa rin kami hanggang ngayon?

  2. Sa aspetong career naman, ako ay nurse, pero ngayon ay wala pa ring nangyayaring ma­ganda sa ca­reer ko kaya naisip kong mag-bu­siness. Nais kong ma­la­man kung susuwertehin ba ako sa negosyong pagtitinda ng bigas at diaper?

  3. Gayundin, gusto kong ma­la­man kung magka­karoon kami ng sariling bahay at may pag-asa ba kaming yumaman?

KASAGUTAN

  1. Ang pag-iibigan ninyo ay tulad sa relasyon nina dating Unang Gi­nang Imelda Marcos na Cancer (July 2, ang birthday niya) at dating Pangulong Marcos na Virgo (Sep­tember 11 ang birthday niya) kung saan ang water sign element na Cancer at ang earth type element na Virgo ay nagsama at dahil compatible sina dating Pangulong Mar­cos at dating Unang Ginang Imelda Marcos, ang pagsasama nila ay naging maunlad at maligaya.

  2. Gayundin, ang birth date mong 2 kung saan tugma ito sa birth date na 11 o 2 rin (ang 11 ay 1+1=12) ng iyong mister.

  3. Kaya ‘yung sinasabi mong mada­las pa rin kayong away-bati, masasabing bahagi lamang ang sit­wasyong ganyan ng tipikal at pang­karaniwang buhay ng mag-asawang nag­mamahalan. Kaya kung ganu’n ang nangyayari sa ka­sa­lu­kuyan, pagtitiis at dagdag na unawa lang sa isa’t isa ang kailangan upang magpatuloy ang buo at masaya ninyong pamilya.

  4. Ang pag-aanalisang wala namang gaanong magiging problema sa relasyon ninyo ni mister ay ma­dali namang kinumpirma ng kaisa-isa, mahaba at malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na ang pagsasama ninyo ay hindi lang itatalagang tagumpay at maligaya kundi ito ay magiging panghabambuhay na.

  5. Samantala, sa usapang negosyo, kapansin-pansing bukod sa may birth date ka na 2 sa zodiac sign na Cancer, ikaw din ay nagtataglay ng destiny number na 8 (7+2+ 1988=1997/ 19+97=116/ 11+6 =17/ 1+7=8). Ibig sabihin, likas kang susuwer­tehin sa anumang ne­gosyong sisimulan mo lalo na sa naiisip mong bigasan o produktong may ka­ugnayan sa agricultural pro­ducts, ngunit, dahil nga “otso” ang destiny number mo, i-anticipate mo nang bago mo ma­kamit ang lubusang tagumpay at ganap na pagyaman, daraan ka muna sa maraming mga tiisin at paghihirap, ngunit, matapos nito, ang iyong sig­nature na dalawang initial lang sa simula at okay sa alright ang lower loop ay nagsasabing sob­rang laki talaga ng pag-asa na umun­lad ang bu­hay ninyo sa pagne­ne­gosyo hanggang sa kusang matupad ang pangarap mong magkaroon ng sariling ba­hay at lupa higit lalo kung tatapusin mo ang iyong lagda sa medyo mas malaki pang hugis otso (8) na sumi­sim­bolo ng pagyaman at ma­un­lad na pamumuhay.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Angel, tulad ng tipikal na nagiging kapalaran ng taong otso, matapos ang mga paghihirap, tiisin at pagsisikap sa buhay, sigurado ang maga­ganap, matutupad mo ang lahat ng iyong mga pangarap higit lalo ang mga pa­ngarap mo na may kaugnayan sa aspetong pam­pinansiyal na madali namang kinumpirma ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad na tanda ng “material success” na unti-unting magaganap sa taong 2020, sa edad mong 32 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page