top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit daw mag-away pa sila… AIZA, SURE NA SURE NA HINDING-HINDI NA HIHIWALAYAN NG MISIS NA SI LIZA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 10, 2018
  • 2 min read

SOBRANG sweet at touching ng greetings ni Aiza ‘Ice’ Seguerra sa ‘misis’ na si FDCP Chairwoman Liza Diño para sa kanilang fourth wedding anniversary nu’ng December 8.

Ang haba ng mensahe ni Ice na inilabas niya sa kan­yang Instagram account at ramdam na punumpuno ito ng pagmamahal para kay Liza.

Panimula ni Ice, “Dahil sa iyo, natuto akong magpan­talon tsaka mag-balat na sa­patos, magsuot ng coat, long sleeves, necktie at bow tie. Dahil sa iyo natuto akong maka-appreciate ng fine dining, at kumain ng maang­­hang. Dahil sa iyo, mas naging mabait ako, mas nabawasan ang pagiging pang-asar. Da­hil sa iyo, napipilitan akong tumayo ng kama at lumabas ng bahay. Dahil sa iyo, mas natuto akong pumorma, mag-ayos ng sarili, at magpapogi (ang ganda mo kasi kaya dapat mag-level-up ako).”

Patuloy ni Ice, good influence rin si Liza sa kanya dahil mas minahal daw niya ang kanyang pamilya ngayon at nabago rin ang ilang hindi kagandahang ugali niya.

“Dahil sa iyo, mas minahal ko ang pamilya ko dahil kitang-kita ko ang pagmamahal mo sa kanila. Dahil sa iyo, natuto akong magpasensiya. Natuto ako na makipag-usap ng maayos lalo na kapag bad trip ako.

“Dahil sa iyo, natuto akong maglagay ng emoji after my texts para hindi mukhang masungit. Dahil sa iyo, na-realize ko na may pagka-self absorbed ako at kailangan kong ayusin ‘yun. Na-realize ko din na may pagka-insensitive ako, dahil sa iyo.

“Dahil sa iyo, nakita ko na marami rin pala akong dapat ayusin sa sarili ko; mga pagkakamaling dating nagawa o mga bagay na nakasanayan. Dahil sa iyo, gusto kong mas maging mabuting tao,” mahabang pahayag pa ng singer-actress para kay Liza.

Inamin din ni Ice sa kanyang post na dahil kay Liza, mas open na siya ngayon na ilabas ang kanyang mga nararamdaman, na napansin din namin sa kanyang mga nakaraang interbyu dahil mas open na siyang pag-usapan ngayon ang kanyang buhay kumpara noong wala pa si Liza sa buhay niya.

“Dahil sa iyo, mas naging bukas ako. Nagagawa ko nang sabihin ang mga nararamdaman ko na nasanay na akong itago. Dahil sa iyo, na-realize ko ‘yung worth ko bilang individual at bilang karelasyon. Nag­karoon ako ng boses at inirespeto mo ‘yun.”

Nawala rin daw ang mga insecurities ni Ice at takot na anytime ay hiwalayan siya ng karelasyon kapag may nasabi siya ritong hindi nito nagustuhan.

“Dahil sa iyo, nawala ‘yung takot ko na kapag nag-aaway tayo, laging mauuwi sa hiwalayan; na pwede palang sabihin ang nararamdaman na hindi kailangan matakot na bigla akong iiwanan.

“Dahil sa iyo, buhay na buhay ako. At sa mga pa­nahon na hindi ko kakampi ang buhay, maka­ka­asa akong nandiyan ka.

“Dahil sa iyo, hindi na ako iiyak mag-isa at lagi na akong may kasamang tumawa. Kung sino ako nga­yon at bukas, ito ay dahil sa iyo,” punumpuno ng emosyong sabi pa ni Aiza.

At bago magtapos, binati nga nito ang kanyang misis, “Happy 4th wedding anniversary sa iyo mahal. Ikaw ang best friend ko at inspirasyon sa lahat. #misteratmisiszaza

Inlabey much, ‘di ba?!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page