HOROSCOPE | DISYEMBRE 10, 2018 (Lunes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 10, 2018 (Lunes): Aani ng magagandang kapalaran ang iyong mga pagsisikap, pero ang magpapaganda sa buhay mo ay ang pagiging likas mong masuwerte.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang magpapasaya sa iyo, ‘yun ang gawin mo. Hindi sa lahat ng sandali ay magsasakripisyo ka alang-alang sa ibang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-19-20-24-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapos na ang araw ng iyong kalungkutan. Nagsimula nang kumilos ang iyong kapalaran na nagsasabing ang masasaya at nakamamanghang pangyayari ay darating na sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-11-18-21-25-32.
GEMINI (May 21- June 20) - Hindi lang ang mga tao sa paligid mo ang gustong sumaludo sa iyo dahil maging ang langit ay napahanga mo sa iyong mga ginawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-16-24-27-36-40.
CANCER (June 21- July 22) - Lahat ay bago para sa iyo, ito ang pasya ng langit. Masasaktan ka pero sa huli, magpapasalamat ka sa langit dahil bibigyan ka Niya ng mga suwerte upang umunlad ang buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-13-29-32-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hanapin mo ang wala sa iyo nang sa gayun ay hindi ka magsawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-23-25-39-40-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumayo ka sa problema, pero ang unang layuan mo ay ang takot na nararamdaman mo. Sa ganito, luluwag ang iyong buhay at gaganda pa ang mismong kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-19-20-23-31-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Susuko sa iyo ang nagkukunwaring matapang at nagsasabing hindi ka niya kailangan. Ngayon niya aaminin na hindi pala puwedeng wala ka sa buhay niya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-6-11-17-28-30.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakagugulat ang iyong kapalaran ngayon at ang mga araw pang darating dahil ang mga bituin sa langit ay kusang kikilos para mabigyan ka ng mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-21-25-32-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang nagpapapansin dahil masasayang lang ang iyong oras. Ituon mo ang iyong isip sa mga bagay na maganda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-20-26-34-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi naman mahalaga kung gusto o ayaw mo ang pangyayaring sa una ay hindi mo maintindihan kung bakit nangyayari. Sa huli, ito pala ang pagmumulan ng mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-22-28-30-31-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Minsan, sa buhay dumarating ang mga sorpresa. Tulad ngayon, labis kang magiging masaya. Ang malalaki mong pangarap ay biglang magkakatotoo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-19-23-28-32-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsaya ka, pero sa totoo lang kahit pa piliin mong mabuhay sa kalungkutan, pasasayahin ka pa rin ng langit sa pamamagitan ng mga suwerteng mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-25-31-35-39-41.




Comments