Paslit nabangga ng ambulansiya
PANGASINAN—Isang 8-taong gulang na batang lalaki ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng ambulansiya, kamakalawa sa Bgy. Liwa-Liwa, Bolinao sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Arnold La Torre, residente ng nasabing bayan.
Nabatid na tumatawid umano sa kalsada si La Torre nang aksidente itong mabangga ng ambulansiya na minamaneho ni Pedro Caracas, nakatira rin sa nabanggit na bayan.
Ginagamot na sa ospital si La Torre, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to physical injury si Caracas.





Comments