top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Para makaiwas sa iba’t ibang klase ng aksidente, mga motorista bago makakuha ng lisensiya, dapat mun

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 9, 2018
1 min read

NAKABABAHALA ang kaliwa’t ka­nang aksidenteng nangyayari sa mga kalsada sa kagagawan ng ilang motoris­tang kulang sa kaalaman.

Kaya nais nating isulong ang panu­kalang obligahin ang mga motorista, partikular na ang mga gumagamit ng motorsiklo na sumailalim muna sa road safety training at seminar bago maka­kuha ng lisensiya.

Sa ngayon kasi madali lang ma­ka­kuha nito, lalo at naglipana na ang mga fixer.

Sa naitalang bilang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula noong 2010 ang karamihang naa­aksidente sa kalsada ay mga taong nag­momotorsiklo.

At hindi biro ang mga aksidenteng nangyayari dahil buhay ang nakataya rito.

Bilang mamamayang Pilipino, ka­kailanganin din nating makipagtulu­ngan sa gobyerno nang sa gayun ay ma­siguro natin ang ating seguridad.

Gayunman, nasa 5,700,000 ang bi­lang ng mga motorista sa bansa at ayon kay Admin Director, Motorcycle Philip­pines Federation Atoy Cruz, out of 9,000 riders na kumukuha ng lisensiya, 7 lang umano ang pumapasa at ‘yun ang naki­kita nilang problema.

Lalo na ngayong may ilan na porke natutong mag-drive, eh, akala karapat-dapat na silang magkaroon ng lisensiya, pero sa totoo lang ang mga patakaran bi­lang motorista ay hindi alam o sinu­sunod.

Kaya kung sakaling maaaprubahan ang road safety training at seminar na mag-oobligang dumaan sa training ang mga nagbabalak magkalisensiya tiyak na masosolusyunan natin ang problema sa kalsada.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page