TRAVIS PINANIS SI HARRIS, GAME 2 ULI SA HOTSHOTS!


DALAWANG serye na ang lamang ng Magnolia Hotshots matapos nilang kalawitin ang 77-71 panalo kontra Alaska Aces kagabi sa Game 2 ng Philippine Basketball Association, (PBA) Governors Cup finals sa Araneta Coliseum.
Kumalas ang Hotshots sa endgame upang hawakan ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven series.
Nakipagsabayan ang Aces sa unang dalawang quarters kaya nahawakan nila ang five-point lead, 41-36 sa halftime. Hindi bumigay sa third period ang Alaska, nanatiling nakakapit sa unahan, 65-61 papasok sa fourth period.
Sa Game 1 lumamang ng hanggang 21 puntos ang Hotshots pero humabol ang Aces at naibaba nila sa walo may limang minuto na lang sa orasan.
Subalit naging matatag ang Magnolia sa dulo upang makuha ang panalo.
Samantala, si Paul Desiderio ng University of the Philippines ang latest na nagpasa ng application para sa 2018 PBA Rookie Draft kahapon.
Sariwa pa sa paglaro ni 21-year-old Desiderio sa championship kung saan ay kinalaban ng Fighting Maroons ang nagkampeon na Ateneo Blue Eagles.
May average si Desiderio na 13.7 points, 6.2 rebounds, 3.4 assists at 1.3 steals sa kanyang fifth season sa Fighting Maroons.
Naglaro rin siya sa PBA D-League, tinulungan ang Go for Gold na sikwatin ang 2018 PBA D-League Foundation Cup title. Kasama rin ang Cebuano dribbler sa Batang Gilas squad sa 2014 Fiba Under-17 World Cup.
Humilera si Desiderio sa mga tigasing rookies na sina CJ Perez, Bobby Ray Parks at Robert Bolick. (ATD)
Laro bukas:
(Ynares Center-Antipolo
6:30 p.m. - Magnolia vs Alaska





Comments