HOROSCOPE | DISYEMBRE 8, 2018 (Sabado)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 8, 2018 (Sabado): Wala ka ng dapat katakutan pa, mas malalaking hamon ng kapalaran ang iyong nilabanan sa nagdaan. Ang tagumpay sa anumang larangan ay mapasasaiyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kunin mo ang para sa iyo at magugulat ka dahil ang para sa iba na hindi nila pinahalagahan ay mapupunta rin sa iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-20-27-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ang iba ay todo sa pagsisikap, ikaw na hindi malaman kung mahiyain o duwag ay makikitang dinarapuan ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-29-30-34-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka na wala kang iniintindi kahit may mga pinagdaraanan ka at hindi umuusad ang buhay mo. Ang sikreto ng iyong kapalaran ay nasa simpleng mga pagkilos lamang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-20-21-25-35.
CANCER (June 21- July 22) - Mabigat ang loob mo at magulo ang isip mo, pero hindi naman gaanong mahirap ang sikreto kung paano ka mabubuhay nang masaya. Ang pagpunta sa hardin ay makatutulong para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-21-29-30-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatutuwa ang mangyayari sa iyo. Magsuot ka ng lumang damit na parang wala kang kapera-pera at magugulat ka dahil bubuwenasin ka. Hindi papayag ang langit na magmukha kang walang-wala. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-10-14-21-25-27-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maghintay ka lang dahil darating din sa iyo ang suwerte mo, pero kumilos ka na parang inip na inip ka at ang mga ito ay mas malalaki kaysa sa inaasahan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-22-28-30-31-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang hindi naniniwala na ang kapalaran ay nakatakda. Puwedeng isa ka sa kanila, pero ayon sa nasa itaas, ngayon mo na matatanggap ang gustung-gusto mong mapasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-19-24-25-34-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Madalas tao ang may kagagawan kung bakit hindi umuusad ang kanyang buhay. Ngayon at sa mga darating na araw, may pagkukulang ka man o wala, gaganda na ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-25-26-36-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hinuhusgahan ang tao ng kanyang kapwa batay sa nakikita ng mga mata. Maraming maninira sa iyo dahil hindi pa nila alam ang iyong kakayahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-27-29-30-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pabalik-balik lang ang mga pangyayari sa buhay. Batas ito ng kapalaran na hindi puwedeng pagsinungalingan. Ngayon na magbabalikan ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-19-21-24-29-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pagalitan mo ang isa sa mga taong malapit sa puso mo. Mamamangha ka dahil sa susunod na mga kaganapan, malalaking buwenas ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-18-22-28-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang gawin mo. Huwag kang gumaya sa marami na nabubuhay sa lungkot. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-24-26-39-40.




Comments