Napahiya, 'di makakain... VICE, 'DI MALIMUTAN ANG GINAWA KAY JOSE MARI CHAN SA KASAL
- BULGAR

- Dec 7, 2018
- 2 min read

NAKAKATAWA ang kuwento ni Vice Ganda sa It’s Showtime tungkol sa hindi niya makakalimutang ginawa niya sa respetadong music icon na si Jose Mari Chan.
Nangyari raw ito sa kasal nina Karylle at Yael Yuzon nu’ng year 2014 kung saan isa si Jose Mari sa mga ninong ng couple.
Kuwento ni Vice, “Nu’ng kasal ni Karylle, gusto ko nang lumubog sa lupa at mamatay na lang.
“Reception sa Tagaytay, ‘di ba? Hinihintay ‘yung mga pagkain. Eh, nasi-CR ako, sabi ko sa kasama kong bakla, ‘Bakla, nasi-CR ako, samahan mo ‘ko.’”
Kaya lang, sarado raw ang male comfort room kaya sa CR ng babae sila nagpunta.
Nauna raw lumabas si Vice sa kasama niya at nu’ng nainip na siya ay sinigawan niya ito ng… “Bakla, ang tagal mo, tapos na ‘ko! Ikaw pa ang inaantay ko ngayon.”
Nu’ng hindi raw sumagot ang bakla, hinampas niya ang pintuan ng isang cubicle.
“Bog! Bog! Bog! Bakla, ano’ng petsa na?” pasigaw pa raw niyang sabi rito.
“Nu’ng hindi siya kumikibo, ‘Ah, talagang binubuwisit mo ‘ko!’ Kumuha ako ng tabo, tapos ginanu’n ko (ibinuhos) ‘Bakla, 48 yrs. ha?’ Binasa ko ‘yung paa niya,” kuwento ni Vice habang tawang-tawa naman si Anne Curtis na nakikinig.
Paglabas daw sa cubicle ng inaakala niyang baklang kasama, na-shocked si Vice nang makita kung sino ang nasa loob.
Basambasa raw ang sapatos at pantalon ni Jose Mari Chan nang lumabas sa cubicle at tanong daw nito sa kanya, “Is that you?”
Hiyang-hiya raw si Vice na tumanggi at ayaw na niyang kumain sa reception dahil sa ginawa.
Sabi naman ni Ryan Bang, “Kaya pala uwi siya agad,” habang tawang-tawa pa rin ang mga co-hosts nila sa It’s Showtime.
Kaya bilang bawi, sabi ni Vice, siya ang unang-unang nagpapatugtog ng mga kanta ni Jose Mari Chan tuwing Pasko.




Comments