top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nag-a-abroad para lang siraan ang ‘Pinas | Maria Ressa ng Rappler, magbayad ka muna ng tax, ‘di puro

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 7, 2018
  • 3 min read

ALAM ba ninyong si Maria Ressa, dating taga-CNN at ABS-CBN ay nagkakalat umano ng mga kasinungalingan sa buong mundo?

Kapag ipinagpatuloy niya ang paninira sa ating bansa, wala ng investors ang pupunta sa atin, tatamlay ang ekonomiya at ang mga dukha ay mananatiling dukha.

Pumupunta raw sa New York City si Ressa para magbigay ng talumpati kung saan babati­kusin niya ang gobyerno ng Pilipinas at sasabi­hing wala na raw press freedom sa Pilipinas.

Malaya ang media sa ating bansa kaya nga hindi tayo umuunlad na kasimbilis ng ibang bansa sa Asya.

Ang ating mga kapitbahay sa Asya tulad ng Thailand, Singapore, China at iba pa ay puro istrikto ang batas pagdating sa media.

Hindi basta nakapagsusulat ng kahit ano, kapag kasi­nungalingan ang ipalalabas mo, siguradong kulong ka.

Sa Pilipinas, kilala ang media sa pagiging malaya, “Asia’s Freest Press” ang bansag sa atin. Kahit anong kritisismo natin sa gobyerno ay hinahayaan lang. Kapag ipino-promote ng media ang mga komunista, okay lang din sa gobyerno ‘yun.

Ang Rappler, ilang taon nang nagkakalat ng mga peke, huwad at malisyosong artikulo.

Sila ang nangunguna noon sa paglalabas ng mga kasinungalingan laban kay yumaong Supreme Court Chief Justice Renato Corona, para lamang masunod ang gusto ni dating Pangulo Benigno Aquino III na ma­tanggal si Corona at maipalit si Lourdes Sereno.

Ang Rappler ay pinopondohan daw ng mga dilawang elitista kabilang na ang bilyunaryong pamilyang coño na maraming lupain sa Makati.

Pero, dahil palpak magpatakbo si Ressa, nalugi raw ito at kinakailangang ng dagdag na pera, lalo nang nilayasan siya ng investor niya na nasuya sa kanya, ang mayamang negos­yan­teng si Benjamin Bitanga.

Ang sabi sa atin ni Bitanga, umalis daw siya sa Rappler dahil hindi man lang daw siya kinokonsulta ni Ressa sa mga ginagawa nito na nakaaapekto sa kumpanya.

Muntik na rin daw mapahamak ang anak niyang si James, na siyang treasurer ng kum­panya nang nasangkot daw ang Rappler sa kaso ng tax fraud.

Mahilig daw bumili ng mamahaling internet technology si Ressa kaya naubos ang pondo ng kumpanya.

Ang mga “hi-tech” software ang sapilitang magpapaangat sa Rappler kapag gumagawa ng “search” sa Google.

Sa madaling salita, peke ang mga tagasunod ng Rappler. Hindi totoong sikat at maraming bumibisita sa website nila, peke ito na tulad ng kanilang mga balita.

Ano ang kasong kinahaharap ni Maria Ressa at nagwawala siya? Tax fraud at tax eva­sion ang mga kaso niya.

Nag-umpisa ang problema ni Ressa nang tumakbo umano siya sa dalawang dayuhang kumpanya, ang North Base Media at Omidyar, para humingi ng pondo para sa naghihingalo niyang website.

Nagpasok daw ng pera ang mga Amerikano sa Rappler. Ayon sa mga ulat, ang may-ari ng North Base at Omidyar ay si George Soros, ‘Kano na mahilig makialam sa politika sa ibang bansa.

Hindi alam ng “clueless” na si Ressa na nilalabag niya ang Konstitusyon ng Pilipinas. Bawal magpasok ng pera ang anumang dayu­hang kumpanya o tao sa mass media. Pilipino lang ang maaaring magmay-ari ng mass media sa Pilipinas, batas ito.

Kinasuhan si Ressa ng Securities and Ex­change Commission dahil sa paglabag sa Kons­titusyon. Ngayon, anong palusot ang ginaga­mit ni Ressa?

Gagayahin umano niya ang PLDT at Globe, sinabing hindi raw shares ng Rappler ang binili ng mga dayuhan kundi ang Philippine De­positary Receipts (PDRs).

Nagdunung-dunungan ang ale, hindi niya naisip na “securities” itong PDRs na noong ibi­nenta ay nagresulta sa kita o profit na P150 milyon.

Hindi ini-report sa Income Tax Return (ITR) ng Rappler ang kitang ito at wala rin sa ITR ni Ressa (dahil may-ari rin siya ng shares ng Rap­pler).

Kaya kinasuhan sa harap ng Pasig City Regional Trial Court si Ressa at ang Rappler sa paglabag nito ng mga batas sa ilalim ng National Internal Revenue Code.

Matapos maglabas ng arrest warrant laban sa kanya ay nakapagpiyansa si Ressa.

Ano ang aral dito? Kailangan nating respe­tuhin ang batas at magbayad tayo ng tamang buwis. Hindi maaaring kukuha tayo ng pera mula sa dayuhan para sa media outfit natin dahil bawal ito.

Higit sa lahat, hindi komo media tayo ay pu­wede na tayong lumabag ng batas at mag­sisisigaw ng “press freedom”.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page