top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | DISYEMBRE 7, 2018 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 7, 2018 (Biyernes): Ang mga suwerte mo ay nasa malayo, hintayin mo lang na dumating ito sa buhay mo. Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pag­silang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang iyong isip ngayon dahil nagpasya ang langit na sa mga araw na ito ay bibig­yan ka Niya ng maya­mang imahinasyon, kaya huwag mo itong sasaya­ngin. Ma­­­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-13-20-24-34-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakaabang na sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang pag­kakataong umunlad ang iyong buhay sa pama­ma­gitan ng pag-a-abroad. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-18-23-27-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Magsisimula nang bumuhos ang mga suwerte sa buhay mo dahil nagsisi­mula na ring umulan ng mga bu­lalakaw sa kalangi­tan. Hu­wag mong kalili­mu­­tan na magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-19-21-25-31-32.

CANCER (June 21- July 22) - Iti­nakda sa araw na ito na kung sino ang masaya, sila ang makata­tanggap ng maraming bi­yaya mula sa langit. Mag­sasaya ka ba o hindi? Piliin mo ang una. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-20-28-37-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ipi­napayo ng iyong kapalaran na huwag mong sayangin ang oras at araw mo sa mga taong hindi ma­kaintindi sa matitigas ang ulo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-22-27-31-37-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakikita ang naghahanap, pero ang ayaw maghanap ay wala nang pag-asa pang makakita. Hana­pin mo ang mga taong na­katulong sa iyo at lumayo ka sa mga taong sinisira lang ang araw mo. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-11-18-24-30-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapabibilang ka sa mga ma­kararanas ng pag-ulan ng mga suwerte sa kanilang buhay. Kaya lang, ang para sa iyo ay ma­­aaring masayang kung wa­lang direksiyon ang buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-19-23-33-36-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan mong uminit ang iyong ulo. Nagsasara ang pintuan nang matuwid na katwi­ran kapag ang tao ay pi­nagharian ng galit. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran ngayon. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-8-13-21-24-34-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit ma­dalas mong nakalilimutang magpasalamat sa langit, patuloy pa rin Niyang pa­u­unlarin ang buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo na dapat mong mala­man. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-15-20-23-30-42-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inaayos na ng langit ang pundas­yon mo sa masaganang buhay. Ito ay mangyayari, kahit pa minsan ay nawa­walan ka na ng tiwala sa Diyos. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-16-22-26-32-39-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muli kang hahabu­lin ng taong nang-iwan sa iyo. Mahahabol ka kaya niya? Ang sagot ay oo, mababawi ka niya, pero muli kang lalayo ka­pag hindi siya nagbago. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-21-25-33-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumating na ang takdang-araw kung ka­ilan pakikinggan ng langit ang iyong mga kahili­ngan, kaya hilingin mo na nga­yon ang pinakagusto mo sa buhay. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-10-14-19-28-34-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page