Kaya naglaslas, Luis… JESSY, AMINADONG MAY SAKIT SA PAG-IISIP
- BULGAR

- Dec 6, 2018
- 2 min read

SA grand presscon ng The Girl in the Orange Dress, ibinahagi ni Jessy Mendiola na siya’y dumanas ng depression noong panahong nagpatung-patong na ang isyu sa relasyon niya with ex-BF, JM de Guzman, at mga intrigang kinaharap niya noon.
Bukod sa bashing na kanyang natanggap that time, nakadagdag din sa kanyang depresyon ang insidente sa eroplano involving Enrique Gil.
Sa panayam sa aktres, una niyang nilinaw ang tungkol sa naranasang depression. “Two years, hindi buwan, seryoso,” giit niya.
“I had a doctor for that. I’m not afraid to admit that. Kasi talagang nangyari sa akin and gusto ko ding magkaroon ako ng vlog [video blog] about it, and I wanna spread awareness na depression is not a joke.
“And bashing and cyber bullying really affect people, especially us, celebrities.”
Gaya ng ilang kabataan o mga taong nakakaranas ng depression, pinagtangkaan daw niya ang sariling buhay.
“Oh, yes, nag-cut ako hanggang dito,” sabi ni Jessy, habang itinuturo kung saan parte ito naglaslas, mula sa pulso hanggang sa may bandang braso.
Curious ang mga press people na makita ang bakas ng pagpapatiwakal na ginawa ng aktres.
“Wala na siya [bakas]. Hanggang du’n lang naman.
“Pero alam mo ‘yung feeling mo na hanggang birthday mo, hindi ka tatayo sa kama, sa kuwarto ka lang.”
Kasunod nito, ibinahagi ni Jessy ang mga pinagdaanan niya noong 2015.
“Yes [bashing], plus ‘yung mga bagay na nangyari sa akin before.
“May plane harassment, ‘yung I had an ex before na mahirap to deal with. ‘Yung mga ganu’ng bagay. Very personal, nagpatung-patong siya.”
Tinukoy ng PEP noong September 10, 2015 ang tungkol sa plane incident na kinasangkutan ng Kapamilya stars na sina Jessy, Enrique Gil, Luis Manzano at Liza Soberano sa flight nila patungong London, England, para sa ASAP Live in London.
Base sa report, nakainom diumano si Enrique noon sa flight at kinukulit nito si Jessy.
Ngunit hindi raw pinansin ng aktres ang aktor, na lalong nagpainit sa ulo ni Enrique.
Sa puntong ito ay inawat na raw ni Luis si Enrique sa pangungulit.
Doon na raw nagkaroon ng confrontation sa pagitan nina Luis at Enrique.
Ang The Girl in the Orange Dress ay entry ng Quantum Films, Star Cinema at MJM Productions sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018. Kasama rin sa pelikula sina Jericho Rosales, Ria Atayde, Sheena Halili, Hannah Ledesma, Nico Antonio, Via Antonio, Cai Cortez at Juan Miguel Severo. Ito ay mula sa direksiyon ni Jay Abello.





Comments