top of page

Kahit noodles, de-lata o mantika pa ‘yan, brad! LALAKING SA SANDALING MAGNEGOSYO NG MAY KAUGNAYAN SA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 6, 2018
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Saan ba nakikita sa guhit ng mga palad kung ang tao ay susuwertehin sa negosyo? Galing akong abroad at may kaunting ipon ako ngayon.

  2. Ang problema, wala akong ideya kung ano ang mapalad kong ne­gosyo at kung magtata­gumpay ako rito.

  3. Anong negosyo ang babagay sa akin at kung sakaling maka­pag­­nene­gosyo ako, hin­di ba ako malulugi tu­lad ng iba?

KASAGUTAN

  1. Upang magta­gumpay ka sa negosyo, bukod sa kailangang may Business Line ka (Dra­wing A. at B. B-B arrow a.), dapat ay straight ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad upang masigu­rado mong ikaw ay magta­tagumpay sa kahit anong papasukin mong negosyo.

  2. Ibig sabihin, kapag straight ang Head Line (ar­row b.) sa kaliwa at kanan mong palad, ito ay indikas­yon na ikaw ay may ugaling praktikal, hindi maawain at may pagkamateryoso.

  3. Bukod sa nasabing mga katangian ng mga taong may straight na Head Line (arrow b.), mahusay din si­lang magdesisyon sa lara­ngan ng pananalapi dahil may kakayahan silang di­siplinahin ang kanilang sarili, maging matipid, maramot at masinop sa kanyang gawain at pag-uugali. Ang mga ingredient o sangkap na ito ang siyang pangunahing ka­ilangan upang ang ma­nga­ngalakal ay maging suc­cess­ful at napakayamang busi­nessman.

  4. Bukod sa nasabing mga guhit, makatitiyak din ng matagumpay na pagne­negosyo ang indibiduwal kung siya ay nagtataglay ng square hand na tinatawag, medyo pa-square ang hugis ng palad (arrow c.), tuma­talbog o malaman kapag sinalat at kakaunti lang ang guhit.

  5. Ang mga deskripsi­yong nabanggit sa itaas ay indikasyon naman na may konsentrasyon ka sa iyong gi­nagawa, puno ng enerhiya at sigasig ang iyong isipan at pangangatawan na magpa­pa­yaman at magpapalago ng ka­buhayan sa bawat paggi­sing mo sa umaga, ‘ika nga, masigla kang magpayaman.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Samantala, ayon sa zodiac sign mong Capri­corn, bagay na bagay sa iyo ang lahat ng agricultural products, kabilang dito ang mga produktong pagkain tulad ng bigas, karne, itlog, mga produktong butil, man­tika, noodles, de-lata at iba pang kauri nito. Ang pagha­hayupan o mga produktong galing sa mga hayop ay ma­aari mo ring isaalang-alang.

  2. At dahil pre­sent o nasa palad mo ang mga gu­hit na nabanggit sa itaas, Allan, tiyak ang maga­ganap, kung magsisi­mula ka nang mangalakal sa susu­nod na ta­ong 2019 sa buwan ng Nob­yembre o kaya ay Dis­yembre, unti-unti nang la­lago ang inyong negosyo hang­gang sa ban­dang huli, paglipas ng mga 8 hanggang 10 taon pa sa 2024, bago sumapit ang edad mong 55 pataas, maunlad na ang iyong negosyo hanggang sa tu­luyan ka na ring yuma­man.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page