Ay, ay, ay, pag-ibig nga naman! BYUTING SEXY ACTRESS, MGA INIREGALO NG IBA'T IBANG PAPANG AKTOR,
- Erlinda Rapadas
- Dec 6, 2018
- 1 min read
BLIND ITEM:
GRABE kung ma-in love ang isang not so young (NSY) pretty sexy star. Masahol pa siya sa bakla na ‘all mine to give’ ang drama kapag in love. Marami naman siyang suitors na nagpapantasya sa kanyang katawan, may actor, politician, businessman, military men, atbp..
Napaka-wise ng NSY actress dahil utak ang ginagamit niya at marami siyang napakinabangan sa bawat short-lived romance niya sa mga lalaking nagpapantasya sa kanya.
Hindi lang datung, kotse at alahas ang inireregalo sa kanya ng kanyang mga papa, nakakapag-travel din siya nang libre abroad at nakakabili ng mga branded bags and shoes. Pero, lukaret ang sexy actress kapag nai-in love. Mistula siyang sugar mommy na tumutustos sa lalaki.
Ang kinikita niya sa mga suitors niya, eh, napupunta sa kanyang boylet. Maraming naloka sa NSY actress nang ma-in love sa isang mas bata sa kanyang actor na hindi na nga guwapo, hindi pa rin sikat. Niregaluhan niya ito ng genuine na Rolex watch at ipinag-shopping pa to the max ang buong pamilya ng BF na aktor.
Hindi rin naman nagtagal ang kanilang relasyon dahil nagising sa kanyang kabaliwan ang sexy actress.





Comments