Pabebe 'teh? GABBI, TODO-YAKAP NA KAY KHALIL, AYAW PANG UMAMING MAG-BF

ANG boyfriend na si Khalil Ramos ang kasama ni Gabbi Garcia sa birthday treat sa kanya ng kanyang pamilya noong December 2.
May photos si Gabbi with her family in a restaurant at kasama si Khalil. May isang photo na sila lang ni Khalil, nakayakap si Gabbi at sweet ang dalawa, kaya hindi naniniwala ang mga fans na “exclusively dating” pa lang sila.
Kasama si Khalil sa binanggit ni Gabbi na “My core... thank you for the genuine love & happiness... and birthday surprises.”
Birthday naman ng ex-BF ni Gabbi na si Ruru Madrid kahapon, Dec. 4, pero noong Dec. 1 ginawa ang party nito, isinabay sa birthday party ng ina.
Wala sa party si Gabbi at wala rin si Bianca Umali na nali-link ngayon kay Ruru. Kung dumalo man sa party si Bianca, wala siya sa photos na nakita namin.
Mukhang magtatagal ang relasyon nina Gabbi at Khalil dahil hindi sila love team at hindi magkasama ng network. Sabi nga ni Gabbi sa taping ng Pamilya Roces, free sila ni Khalil to pursue whatever is good for their respective career.
Sa ngayon, happy si Gabbi na umaarte sa role na bida-kontrabida sa Pamilya Roces at kumakanta sa Studio 7. May ginagawa rin siyang indie film na singer ang role at tumutugtog ng gitara, kaya masaya ang aktres.





Comments