top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Lalaking problemado sa nalalapit na kasal

ROMA AMOR
Dec 5, 2018
1 min read

Dear Roma,

Ako si Aaron, 29 years old. Gusto kong humingi ng payo sa inyo dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Ikakasal na kami ng girlfriend ko sa susunod na buwan, pero hindi ko alam kung paano ko mapagsasama ang mga magulang ko dahil matagal na silang hiwalay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos, kaya hirap akong mapagkasundo sila. Bilang anak, gusto kong makita ang mga magulang ko sa espesyal na araw sa buhay ko. Roma, ano ba ang dapat kong gawin? — Aaron

Aaron,

Naku, hindi nga madali ang sitwasyon mo, kaya ang maipapayo namin sa iyo na subukan mo na muling kausapin ang mga magulang mo at ipaliwanag sa kanila na ang pre­sensiya nilang dalawa ay mahalaga sa araw ng kasal mo. Kaunting tiyaga lang ang kailangan dahil siguradong hindi ka matitiis ng mga magulang mo. Ngayon pa lang ay binabati ka na namin. Congratulations, bro! Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page