Aray ko! Prangkahan na 'to! KIM, UMAMING 'DI GREAT LOVE SI XIAN


FIRST time ni Kim Chiu na maging leading men sina Dennis Trillo at JC de Vera sa Regal Entertainment’s entry sa MMFF 2018 na One Great Love na mula sa direksiyon ni Enrico “Eric” Quizon, na gumanap ding tatay ni Kim sa movie.
Puring-puri ni Kim ang dalawang aktor dahil tahimik lang daw sa set pero nag-click naman agad sila sa kanilang mga eksena. Kaya naman kahit love scenes ang ipinagawa ni Direk Eric kay Kim with JC at Dennis, game na game si Chinita Princess na nagpakita ng kanyang likod sa bathtub scene nila ni JC.
Natawa si Direk Eric nang tanungin namin kung kinailangan pa ba niyang turuan si Kim sa mga dapat nitong gawin sa love scenes with Dennis at JC. Aniya, alam na alam na ni Kim ang gagawin dahil hindi naman na raw ito bata.
Hindi naman super daring si Kim sa movie at tama lang na nag-level-up ito nang konti sa pa-sweet role dahil mature na rin naman siya.
Puring-puri nga ni Direk Eric si Kim na magaling daw umarte at nagsa-suggest din ng mga ideas kung ano’ng music ang dapat gamitin sa love scene.
Anyway, dahil One Great Love ang title ng movie, natanong ang cast na binubuo nina Kim, Dennis, JC, Miles Ocampo at Marlo Mortel kung nakita na ba nila ang kanilang ‘one great love’.
Ang ipinagtaka namin ay ang sagot ni Kim na “Hindi ko pa rin nahahanap ang great love ko pero sana, mahanap ko na rin.”
Sa one-on-one, nang ipalinaw namin kay Kim kung ano ba talagang meron sila ni Xian Lim at bakit hindi niya ito maituring na one great love kahit pa umamin na sila sa kanilang relasyon, ayon sa aktres ay ‘true love’ siguro ang puwede niyang masabi sa namamagitan sa kanila ng aktor at hindi ‘great love’.
Para kasi kay Kim, masasabi lang niyang ‘one great love’ niya si Xian kapag nagkatuluyan na sila.
Pero sa ngayon, mas focused pa rin daw sila sa kani-kanilang career kaya hindi pa napag-uusapan ang kasal o kahit ang proposal man lang.
Going stronger naman daw sila ni Xian kahit hindi sila madalas mag-post sa social media ng mga sweet moments nila together after nilang umamin sa kanilang relasyon.
Anyway, kakaibang love story ang One Great Love na ayon nga kay Direk Eric, kahit love triangle ito, hindi ito ‘kabit story’ na gasgas na gasgas na sa mga serye at pelikula.
Showing ang One Great Love sa December 25 bilang bahagi ng MMFF 2018.





Comments