Tsinugi sa ASAP… ZSA ZSA, UMAMING MAGSASAKA NA NGAYON

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MATAPOS ang pagri-reformat ng A.S.A.P. Natin ‘To kung saan ay maraming artists ng Kapamilya Network ang natanggal o ‘di kaya ay naging on call na lang, isa si The Ultimate Divine Diva Zsa Zsa Padilla sa mga naapektuhan. Kaya matapos maging on call sa nabanggit na show, focused muna si Zsa Zsa sa pagiging businesswoman at farmer.
Hindi mapigilan ni Zsa Zsa na ipakita sa madlang pipol ang kanyang Certificate of Appreciation na nakuha para sa kursong Farming Enterprise na kanyang inaral para sa paghahanda sa pagbubukas ng kanyang farm na Casa Esperanza sa darating na 2020.
Ani Zsa Zsa, “Finished my introductory lecture on Agriculture with Mrs. Marina [Vinegas] of the Department of Agriculture, Cebu. I still have so much to read and learn online! Mrs. Marina will be with me after Christmas to do a site visit at the farm we are trying to develop. This one is called Esperanza Farms.”
Ipinarating din ng aktres-singer na mas na-appreciate raw niya ngayon ang mga magsasaka dahil sa hirap at pasensiyang ibinibigay ng mga ito para makapag-produce ng de-kalidad na pagkain.
Dagdag pa niya, “I dream of becoming a good farmer and not be afraid of the challenges that comes with this new, exciting venture. The work ahead may be overwhelming but with [God’s] love and guidance, I know that I will be able to pursue all of my dreams.”





Comments