top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sobrang taas ng singil, palpak ang serbisyo, delikado ang linya | Dilawang kumpanya ng kuryente, mal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2018
  • 3 min read

TALAGANG iba na ang ihip ng hangin ngayon, hindi lang dahil sa lumalamig na ang panahon dulot nang papalapit na Pasko kundi heto at matatanggal na ang prangkisa ng isang dila-wang kumpanya ng elektrisidad sa Iloilo.

Halos 100 taong hawak sa leeg ng Panay Electric Co. (PECO) ang mga taga-Iloilo na matagal nang nagdurusa sa sobrang taas ng singil sa kuryente, palpak na serbisyo at mapanganib na mga linya ng elektrisidad sa kanilang siyudad.

Ayon sa mga pag-aaral, isa raw sa pinaka-mataas sa buong mundo ang presyo ng kuryente sa Iloilo City.

Kaya pala yumaman nang husto ang pamilyang may-ari ng PECO, ang mga Cacho.

(May-ari rin daw ng PECO ang mega-dilawang pamilyang Lopez.)Mayroon umanong 1,800 consumer com-plaints ang mga taga-Iloilo laban sa PECO sa isyu ng overbilling, madalas na pagkawala ng kuryente (power outrages), ang paglipana ng peligrosong “spaghetti wires” at ang arogan-teng pakikitungo ng kumpanya sa kanilang customers.

“Bagama’t, sangkatutak ang nagrereklamo sa masamang serbisyo nila at madalas na pagkawala ng kuryente, walang ginagawa ang PECO. Wala itong puso, wala itong pakialam sa taumbayan,”

sabi ni Iloilo City Coun-cilor Joshua Alim.Isinalaysay ni Alim ang kaso ni Hazel Fer-nandez, isang kapitan ng barko na madalas nasa labas ng bansa.Kahit wala siya sa Pilipinas at walang gumagamit ng kuryente sa bahay niya ay sinisingil pa rin siya ng PECO ng napakataas na bill.

Isa pang may reklamo, si Mildred Jaroma-hum, retired teacher na nagturo ng pagtitipid sa kanyang mga anak kaya ang bayad nila sa kuryente ay P3, 000 lang bawat buwan.

Laking-gulat na lang ni Mildred nang pinal-dahan siya noong 2017 ng monthly bill na nag-kakahalagang P178, 000.

Siyempre, pinuntahan niya ang PECO para magreklamong mali ang kanilang singil.

Pero, ano ang ginawa ng PECO? Sinabihan siyang dapat niyang bayaran ang bill kahit mali ito at kahit pa-installment daw! Marami pang ibang reklamo laban sa dilawang kumpanyang ito at maging ang media ay naging biktima rin.

Ang Aksiyon Radyo Iloilo at Love Radio Iloilo ay nagsampa na ng reklamong overbilling laban sa PECO.

Minsan, 15 araw daw na hindi nag-broadcast ang Love Radio matapos masira ang kanilang transmitter.

Pero, pagdating ng bill ay mas mataas pa raw ang singil kaysa sa ibang buwan kahit wala sila sa ere at walang operasyon.Kaya pala ang mga taga-Iloilo mismo ang nagsabi sa Kongreso na huwag aksiyunan ang aplikasyon ng PECO para makakuha ng bagong prangkisa na mag-e-expire na sa 2019.

Maging ang city council ng lokal na gob-yerno ng Iloilo ay nagpasa ng resolusyon kung saan pormal nitong hiniling sa Kongreso na huwag bigyan ng bagong congressional license to operate ang PECO. S

iyempre, lahat ng reklamo sa kanila ay todo-deny ang PECO. Ang lakas nga ng PR at propaganda nito na makikita sa dami ng artikulo sa mga dilawang diyaryo kung saan ang aro-ganteng kumpanya pa ang ipinagtatanggol sa halip na ang naaaping mga kostumer ng PECO.

Mukhang nakarating ang sigaw ng taumbayan ng Iloilo sa mga pulitiko sa Kongreso at Senado.

Nakabimbin pa rin sa Mababang Kapulungan ang aplikasyon ng PECO para sa renewal ng lisensiya nito bilang distributor ng elektrisidad.

Sa Senado, nagdesisyon na ang Senate Committee on Public Works na pinangunahan ni Senador Grace Poe na ibigay ang bagong prangkisa para magbenta ng elektrisidad sa Iloilo sa bagong kumpanya, ang MORE o ang Monte Oro Resources and Energy.

Ang MORE, na pagmamay-ari ng bilyunaryong port operator na si Ricky Razon, ang papalit sa PECO kapag nag-expire na ang lisensiya nito sa Enero 2019.

Bigatin din ang mga magpapa-takbo ng MORE, na ayon sa mga balita ay sina Guido Delgado at Cyrill del Callar, parehong naging presidente ng National Power Corporation noong administrasyong Ramos at Arroyo.

Inatasan na ng gobyerno ang PECO na ma-kipagtulungan sa MORE para maging maayos ang tinatawag na “transition” para hindi ma-apektuhan ang supply ng kuryente at serbisyo sa mga taga-Iloilo.

Marami ang nagalit nang mabalitang sinabi raw ng abogado ng PECO na magkakaroon ng malaking blackout sa Iloilo kapag hindi nabig-yan ng bagong prangkisa ang kanyang kum-panya.

Sinabi rin daw ng abogadong pulpol na ang dapat sisihin ng mga tao kapag nawalan sila ng kuryente ay ang Senado at Kongreso.

Totoo bang sinabi ninyo ito, attorney? Kung totoo ay napakatanga ninyo, lalo kayong hindi pagbibigyan ng mga pulitiko matapos ninyo silang insultuhin.Huwag na kayong umasang patatawarin pa kayo ng mga taga-Iloilo at sawang-sawa na sila sa napakataas na presyo ng kuryente at sa masamang serbisyo ng PECO.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page