top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ngayong panahon ng Pasko,huwag magpapalinlang sa mga tinderong manloloko!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 3, 2018
1 min read

NAGBABALA ang Department of Trade and Industry (DTI) ngayong Holiday Season sa ating mga konsiyumer na maging mapanuri at wais umano tayo sa pamimili dahil tiyak na usung-uso na naman ang mga mapagsamantala ngayon.

Gayunman, nais sabihin ni DTI Secretary Ramon Lopez sa mga mamimili na bumili ng mas murang brands ng iba’t ibang pagkain nang sa gayun ay maramdaman ng mga kumpanyang may mataas na presyo na hindi na kinakaya ng ordinaryong pamilyang Pilipino ang halaga ng kanilang mga produkto kaya may posibilidad na magbaba na rin ang mga ito bago pa sumapit ang Bagong Taon.

Sa ngayon, tumaas na sa P20 hanggang P40 ang kada kilo ng hamon sa ilang pami-lihan.

Sa ganitong mga sitwasyon, mainam na maging maalam ang lahat bago bumili ng mga panghanda sa media noche at noche buena.

Samantala, bukod sa pagiging alerto, mapagmasid at aktibong mamimili, dapat huwag nating hayaan ang mga ginagawang panlilinlang ng mga nagbebenta pagdating sa kanilang timbangan.

Kaya ang panawagan natin sa mga LGU, suriing mabuti ang timbangan ng mga nasa pamilihan upang makita kung tama ang kanilang mga ginagamit na kiluhan at kung dumaan ito sa calibration ng DTI nang sa gayun ay masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mamamayan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page