Presyo ng mga bilihin, sana bumaba na rin
- BULGAR

- Dec 2, 2018
- 1 min read
KAPANSIN-PANSIN na non-stop ang rollback sa presyo ng petrolyo.
Kahit paano, gumiginhawa ang biyahe nina mamang driver, bagama’t, ang mga pasahero muna ang tiis-tiis sa pamasahe na hindi pa rin bumabalik sa dati.
Kasabay nito, umaasa tayo na susunod na ring magbababaan ang presyo ng mga pangunahing produkto.
Ilang buwan din tayong umaaray sa pagba-budget, minsan, nakalulungkot nang mamalengke sa mahal ng paninda. Na-master na rin natin ang diskarte sa pagtitipid.
Kaya malaking bagay ang pahayag ng Department of Trade and Industry na maaaring maramdaman na ng mga consumer ang pagtapyas sa presyo, lalo na sa basic goods.
Kailangan talagang mag-ipon ng maraming pasensiya.
Ang isipin natin, makararaos din sa isang araw, isang linggo at ngayon nasa huling buwan na tayo ng taon, sa kabila ng napakaraming isyu sa politika at sa personal nating buhay, narito pa rin tayo at lumalaban.





Comments