top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa birthday...BEBOT NA NAKATAKDANG MAKATULUYAN ANG BF KAHIT HINDI ITO KA-COMPATIBLE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 1, 2018
  • 3 min read

Dear Maestro,

Kapag nagkatuluyan ang magkasintahan na hindi compatible, halim­bawang naging mag-asawa sila, ano ba ang mangyayari?

Hindi ba sila uunlad at magiging maligaya kahit nagmamahalan naman sila?

Sa ngayon ay may boyfriend ako na isini­lang noong October 12, 1989 at September 16, 1993 naman ang birth­day ako.

Niyayaya na niya akong magpakasal kami, pero nagdadalawang-isip ako kasi nu’ng nag­basa ako sa kolum ninyo ay natuklasan kong hin­di kami compatible. Ano ang dapat kong gawin?

Salamat!

Umaasa,

Charit ng Talaba, Bacoor, Cavite

Dear Charit,

Hindi naman sinasa­bing hindi kayo magtata­gumpay o mauuwi rin sa hiwalayan ang pagsa­sama ng magkasintahan o ng mag-asawa na hindi compatible sa isa’t isa sa aspetong pang-Numero-Astrology, sa halip, ang si­nasabi ay mahihirapan kayong magtagumpay at lumigaya dahil magkaiba kayo ng “body chemis­try”.

Kumbaga, nu’ng bata pa lang ay napansin mo na siyang magaling uma­wit, ngunit, mahina naman siya sa sining ng pagsa­sayaw.

Hindi ba, kapag trai­ning o sinanay mo siya bilang mang-aawit, mas madali siyang matututo sa larangang ito kung iku­kumpara sa pagsa­sayaw na wala naman siyang gaanong talento?

Gayundin, sa isang re­lasyon, hindi compatible versus sa relasyong com­patible, ano ang mang­yayari?

Ang mangyayari ay ganito, madalas nating marinig ang salitang, “ba­kit kaya sa umpisa pa lang ay magaang na ang loob ko sa taong ito?” Kaya ga­nu’n, marahil, na­nganga­hulugang magka­tug­ma na agad ang kani­lang “body chemistry” sa um­pisa pa lang.

Kaya kapag nagsama sila at naging magkai­bigan, siyento-porsiyen­to dahil kapwa magaang ang loob nila sa isa’t isa sa unang pagtatagpo pa lamang ay magiging ma­ligaya at maunlad na ang nasabing samahan.

Kabaligtaran nito, may naririnig din tayong ga­nito: “Bakit kaya sa um­pisa pa lang, parang wala na akong tiwala sa taong ito?” Hindi ba, kahit pa­rang wala kang tiwala sa nasabing tao ay puwede pa rin kayong magsama?

Pero, dahil nabahiran na agad ng “first impres­sion” na hindi maganda ang ganu’ng relasyon, sa simula pa lang ay hindi mo na mahal ang isang tao o wala na agad siyang pu­wang sa puso mo, kaya maaaring ang ganu’ng relasyon o samahan ay hindi rin magtatagal, lalo na kapag binagyo ng ma­bibigat na mga pagsubok.

Samantala, para ma­ging compatible kayo sa isa’t isa, ipinapayo namin na kaunting pagmama­halan at pang-unawa lang na sasahugan ng sipag, pagsisikap at lambingan, mas madali kayong lili­gaya at magtatagumpay ng iyong karelasyon.

At kapag naging tug­ma na kayo, pahalagahan ninyo ang inyong relas­yon dahil kapag hindi ninyo ito sinunod kahit compatible pa kayo, ma­aari pa rin kayong mag­kahiwalay na hindi mo naman masisisi ang com­patibility theory, bagkus, ang dapat sisihin ay ang damdamin at ang pag-u­ugali ninyo habang kayo ay magka­sama.

Walang iniwan sa ha­laman na inihulog sa ma­tabang lupa. Kahit na ma­taba ang lupa, kung hindi naman didiligan at dada­muhan ng magsa­saka ang nasabing hala­man at kahit ang buto ay hybrid pa, hin­di rin siya ma­mu­mu­nga ng ma­ganda.

Sa kabilang banda, ‘yung mga nagsasama na hindi compatible sa isa’t isa ay maituturing na bin­hi na inihu­log sa hindi ma­tabang lupa.

Bagama’t, hindi ma­taba ang nasabing lupa, kung masipag namang mag-alaga, magdilig at mag­sinop ng halaman ang mag­sasaka, hindi im­po­sibleng mamunga pa rin ito ng maganda.

“Less effort versus hardwork” ang labanan ka­­­pag pinag-uusapan ang compatibility. Sa mas ma­gaang na paliwanag, mas magiging tagumpay ang inyong pagsasama kung pareho kayong nagbibi­gay ng effort sa inyong re­lasyon.

Ganu’n ‘yun, Charit, kaya kung mahal mo ang boyfriend mo na sinasabi mong hindi mo ka-com­patible, eh, di pakasalan mo pa rin siya! Basta ba nagmamahalan kayong dalawa, pero tulad ng isang ama na pinagbili­nan ang kanyang anak bago ka sumuong sa pa­kikipagsapalaran, ang si­nasabi lang namin sa iyo ay ganito: “Pag­butihin mo ang papasukin nin­yong pagpapamilya dahil hindi birong labanan ang in­yong mararanasan.”

Muli, tandaan mo na kapag ang relasyon ay may dalisay at wagas na pagmamahalan, kahit na hindi kayo compatible sa isa’t isa, malaki pa rin ang tsansa na makabubuo kayo ng malinamnam na pag-iibigan, maligaya, maun­lad at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page