top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Huwag matakot sa mga bakunang epektib at subok na

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2018
1 min read

NAKABABAHALA ang pagtaas ng kaso ng tigdas sa bansa.

Sa datos ng World Health Organization, 367 per­cent ang itinaas ng kaso ng tigdas mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong 2017.

Isa sa nakikitang dahilan ay ang kawalan ng kumpiyansa ng publiko sa pagpapabakuna.

Sariwa pa rin ang kontrobersiya sa sinasabing palpak na ba­kuna.

Mula 92 percent, bumulusok sa 33 percent ang tiwala ng publiko sa bakuna.

May takot pa rin ang mga magulang na baka matulad sa mga batang nabakunahan at namatay.

Ito ang isa sa dahilan kaya nais sana nating mapabilis ang im­bestigasyon at magkaalaman kung may pagkakamali nga ba at kung sino ang mga dapat managot.

Kahit paulit-ulit na sabihin ng mga opisyal ng gobyerno na huwag katakutan ang bakuna sa tigdas, tila wala itong talab.

Sa isang iglap, ‘yung mga bakuna tulad ng sa tigdas na matagal nang ibinigay sa mga kabataan na subok nang epektibo ay nadamay.

Paano na ang nasa 12 hanggang 13 sakit na nakamamatay na bagama’t, may bakuna para maiwasan ay hirap maibigay?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page