top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ex-Sen. ‘Bong’ Revilla, kapag naabsuwelto, yari ang mga dilawan, he-he-he!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 1, 2018
  • 2 min read

SEN. ZUBIRI, NALUNGKOT SA PAGPATAY SA MAYAMAN, PERO ‘NGANGA’ SA MGA MARALITANG BIKTIMA NG EJK — Sobrang nalung­kot si Sen. Migz Zubiri nang maba­litaang binaril at napatay sa loob ng SMBA ang mil­yunaryong negosyante na si Dominic Sytin, pero sa libu-li­bong maralitang biktima ng EJK (ex­trajudicial killings), “nganga” lang ang senador na ito.

Pagpapatunay ‘yan na magkaiba ang paningin sa mayaman at ma­hirap ng mga nagpapakilalang ling­kod-bayan na tulad ni Sen. Zubiri, pwe!

◘◘◘

KAPAG NAABSUWELTO SI ‘BONG’ REVILLA, LAGOT ANG MGA ‘DILA­WAN’—Kung pagbabasehan ang pag-amin ni state witness Benhur Luy na pineke lang niya ang pirma ni ex-Sen. ‘Bong’ Revilla at sa pag-amin ng dalawang testigong sina Merlina Sunas at Mary Arlene Baltazar na sinunod lang nila ang dikta ng pro­secution panel laban sa ex-senator at hindi nila nakitang tumanggap ito ng pork barrel, malaki ang tsansa ni Re­villa na maabsuwelto sa kaso ngayong Dec. 7, 2018.

Iyan ngayon ang ikinatatakot ng mga pulitikong “dilawan”, ang maab­suwelto si Revilla kasi bukod sa sure win na ito sa senatorial election, sigu­radong reresbak ito sa mga anomalya ng nakaraang Aquino gov’t. para ang mga taong nagpakulong sa kanya ng mahigit 4 taon ay sila naman ang makulong, abangan!

◘◘◘

CHIEF JUSTICE NA PABOR SA DEATH SQUAD — Pabor si newly appointed Chief Justice Lucas Bersa­min sa itatatag na “death squad” ni P-Du­terte kasi malaki raw ang tiwala niya sa gobyerno na ginagampanan nito ang tungkulin para labanan ang kriminalidad.

Ganu’n? Aba, labag sa batas ang death squad kasi ang sinumang nag­kasala ay dapat dumaan sa paglilitis ng korte, sa rule of law at hindi dapat karakarakang likidahin ng death squad, tapos itong si Bersamin na Chief Justice pa ng bansa, pabor sa death squad ni P-Duterte.

Apat na araw pa lang sa puwesto si Bersamin bilang Chief Justice, na­paghahalataan agad na “tuta” siya ni P-Duterte, boo!

◘◘◘

ANGELES CITY, MAY MONTE NA, MAY VIDEO KARERA PA — Bukod sa monte ni “Peping” ay nagkalat na rin daw ang mga salot na video karera ni “Paris” sa Angeles City.

Iyan ba ang sinasabi ni Mayor Ed Pamintuan na walang iligalista sa kan­yang nasasakupan? Pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page