5 armado tiklo sa checkpoint
Pabs Hernandez III
Dec 1, 2018
1 min read
ILIGAN CITY—Limang armadong lalaki ang inaresto ng pulisya na nagmamando ng checkpoint, kamakalawa sa lungsod na ito.
Hindi muna pinangalanan ang mga suspek habang isinasailalim sila sa masusing imbestigasyon.
Ayon sa ulat, napadaan sa police checkpoint ang mga suspek at nang kapkapan ay nakunan sila ng mga baril at bala.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.





Comments