Late ng nagising Ni: Donnach

Late ng nagising sa katotohanan dahil matagal mo na pala akong gustong iwanan.
Akala ko iba ka sa kanila, ‘yun pala ikaw pa ang pinuno nila.
Late ng nagising sa katotohanan dahil noon pa man ay may iba ka ng mahal.
Anong nangyari sa mga pangako mo? Kinalimutan na lang at biglang naglaho.
Late ng nagising sa katotohanan, ang sakit para akong nagtatanga-tangahan.
Mundo’y biglang gumuho, paano ko kaya ito muling mabubuo?
Late ng nagising sa aking higaan kung saan wala na tayong kumustahan.
Tinatamad akong bumangon, paano kaya ang buhay ko ngayon?
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments