top of page

Lalo na raw kapag maraming toxic sa buhay mo, besh! PAGBA-VLOG, NAKABABAWAS NG STRESS AT ANXIETY!

  • Donna Thea Topacio
  • Nov 30, 2018
  • 2 min read

HINDI na mabilang sa kamay ang mga ta­ong naisipan na gawing ha­napbuhay ang pag­ba-vlog o pagbi-video sa sarili tungkol sa buhay at iba pang mga bagay. Pero, bukod sa masaya itong gawin dahil nasa­sabi mo ang iyong mga gustong sabihin, mara­mi pa uma­no itong health benefits na maibibigay sa atin. Wow!

Ayon sa mga eksperto, ang vlogging ay isa sa mga instrumento upang ma-discuss kung paano mala­lag­pasan ang mental illness kung saan sa simpleng pa­nonood lang ng mga vlog ay malaki na ang nagiging epekto nito sa atin, lalo na sa mga kabataan na duma­ranas ng depresyon o iba pang sakit sa pag-iisip.

Gayunman, sa pagba-vlog, marami tayong dapat isaalang-alang tulad ng kung paano tayo makaiim­plu­wensiya at makatu­tu­long sa iba.

Hindi biro ang pag­ba-vlog dahil halos bu­ong bu­hay ay isina­sa­pub­liko rito, kumbaga, lu­me-level ka sa mga ar­tista lalo na kung ma­rami ang nagkainteres sa iyong mga content at nag-subs­cribe sa iyong channel.

Dagdag pa rito, ang vlog­ging ay nakabu-boost ng self-confidence, naka­pag­papasaya ng mga tao, nakababawas ng stress at anxiety.

Kaya kung may iniidolo kayong vlogger, bakit hindi n’yo subukang magsimula na ngayong gumawa ng sa­rili ninyong vlogs?

Samantala, sa ngayon ay marami nang nagba-vlog sa buong mundo, pero ang payo ng mga eksperto, mas mainam na panoorin ‘yung mga vlogger na may naitu­tulong at naibibigay na ma­gandang impormasyon sa atin.

May ilan kasi na kahit walang sense ay ipi­no-post pa rin at ang nagiging re­sulta nito, ginagaya sila ng mas nakaba­bata na hindi na ma­gandang ting­nan lalo na sa pana­hon nga­yon.

Gayundin, nag­re­resulta ito ng pam­ba-bash sa social media na nagiging dahilan kung bakit marami ang na­wawalan ng pag-asa sa buhay.

Kaya ang payo natin sa mga manonood o gagawa ng videos, maging handa sa anumang oras.

Ang pagba-vlog ay may magandang epekto sa ating buhay lalo na kung ang mga content nito ay makabulu­han at may moral lessons na iniiwan sa mga manonood.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page